VATICAN CITY (AFP) – Nangangamba sa genocide ng mga Kristiyano, ibinigay ng Vatican ang basbas nito sa US military air strikes sa Iraq—sa bibihirang exception sa polisiya ng Simbahan para sa mapayapang resolusyon sa sigalot.

Sinuportahan ni Holy See Ambassador to the United Nations Silvano Tomasi ang air strikes ng Amerika na pipigil sa pag-abante ng mga militanteng Sunni Islamic State (IS), nanawagan ng “intervention now, before it is too late”. “Military action might be necessary,” aniya.

Mariing tinutulan ng Vatican ang US-led campaign sa Iraq noong 2003 at ang pinlano nitong air strikes sa Syria noong 2013 sa takot na lumala ang sitwasyon para sa mga Kristiyano, ngunit ang labis na pangangamba sa ethnic cleansing ng mga Islamist ang nagbunsod sa pagbabago sa polisiya ng Simbahan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza