Unrest_Filipino-Evacuees_Libya_08_Wires_140814

Inaasahang darating ngayong Sabado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang batch ng overseas Filipino worker (OFW) na unang sinundo sa Libya ng isang inupahang barko ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Rebecca Calzado sumakay ng dalawang chartered flight ng Philippine Airlines (PAL) ang mga OFW sa Malta kung saan dumaong ang inupahang barko na sumundo sa mga Pinoy sa Libya.

Base sa talaan ng OWWA, 742 OFW ang lumikas sa Libya sa pamamagitan ng mandatory repatriation program ng DFA. 

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“If anything goes well the first flight will arrive at 8pm, terminal 2 at the Ninoy Aquino International Airport today,” pahayag ni Calzado.

Ayon pa sa OWWA chief, inaasahang darating sa NAIA ang ikalawang PAL flight dakong 2:30 ng hapon bukas.

Kung kakailanganin, sinabi ni Calzado na kukuha ng karagdagang charter ship o plane ang gobyerno ng Pilipinas upang mailikas ang natitirang 10,000 OFW mula Libya.

Aniya, agad na ipaaalam ng OWWA ang mga tulong at benepisyong matatanggap ng mga Pinoy worker na darating mula sa Libya.

Kabilang dito ang P10,000 financial grant na unang inaprubahan ng OWWA board.

Inabisuhan na rin ng ahensiya ang kamaganak ng mga OFW  na darating sa NAIA upang sila ay masundo sa pagdating ng mga ito sa bansa. - Samuel P. Medenilla