DAHIL nalalapit na ang halalang pampanguluhan sa 2016, may sumusulpot na mga tambalan o tandem. Di ba kayo nagugulat sa lumulutang na tambalang Jo-Mar mula kina Vice President Jojo Binay at DILg Sec. Mar Roxas? Anyway, di ba sabi nga ni VP Binay, “Sa pulitika, kahit ano ay posible.” Magkaaway sina Binay at Mar sa pulitika, pero sabi nga ni ex-Senate Pres. Eulogio “Amang” Rodriguez: “Politics is addition.”

Nakasama namin noong Biyernes sa isang munting selebrasyon ng paglitaw ko sa mundong ito maraming tag-araw at tag-ulan ang nakalilipas (di ko na mabilang) sina ex-Paranaque Roilo golez at Danny Buenafe, bureau chief ng ABS-CBN-Channel 2 sa Europe at Middle East. Tinalakay namin ang mga isyung pambansa gaya ng PDAF, DAP, impeachment at pandaigdigang pangyayari gaya ng giyera sa Syria, Iraq, bombahan ng Israel at Hamas sa Gaza, Palestine, at maging ng Ebola outbreak sa Africa.

Kasama namin ang mga beteranong defense at Congress reporters na sina Alex Alan ng Daily Express-People’s Journal, Ben Cal ng PnA, Bing Formento ng DZRH, Francis Flores ng DZBB, Manny Mogato ng Reuters, Babylyn Cacho ng Far East Broadcasting Company-DZAS, at siyempre pa ang charming ex-gF ko at beautiful partner ni Bing. Ang Balita editor na si Aris Ilagan na ex-defense reporter ay dapat ding naroroon, pero hindi nakarating sabi ni Ben.

Malakas ang tawanan sa okasyon dahil sa mga pagbibiro ni golez, tulad ng posibleng tambalan sa 2016 na “PONASAN”. Ito raw sina Sens. Grace Poe at Gringo Honasan. Badya naman ni Francis: Meron din daw “PO-KIKO”. Sila ay sina Sen. Poe at ex-Sen. Kiko Pangilinan. Meron ding Poe-Chiz o Chiz-Poe. At JO-ROX, VP Binay at Mar Roxas.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

By the way, may news story na muling tataas ang rate ng kuryente sa buwang ito o P62 para sa residential area customers na may 200-kWh consumption. Totoo ba ito Mr. Joe Zaldarriaga? Sikat na sikat si boxing champ Manny Pacquiao sa larangan ng boxing. Agaw-pansin din si Mommy D (Aling Dionisia, 65 anyos) dahil inaming may karelasyong 40 anyos na si Michael. Ito ang bagong tambalang kung tawagin ay May-December Affair!