MINSAN, nangingibabaw pa rin ang human side ng mga tao sa gitna ng bangayan o hidwaan. nitong mga nagdaang linggo, naging usap-usapan sa mga barberya at karinderiya ang pananakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas kahit pa alam nito na hindi talaga kanila ang naturang mga isla na mas malapit pa sa Pilipinas kaysa kanila. Matibay ang posisyon ng Pilipinas na may hawak na mga ebidensiya, ayon na rin sa kasaysayan na hindi maipagkakaila.

Labis na naapektuhan ang dignidad ng ating mga kababayan sa isyung ito; kasi nga, nasa dugo natin ang pagkamakabayan at handang mamatay alang-alang sa bansa. Ang pananakop ng teritoryo, lalo na ng militar, ay isang seryosong hakbang upang gawin ng isang bansa. Talagang ikagagalit ito ng maaapektuhang bansa. Kaya kahit ang mga taong wala namang kinalaman sa usapin, basta kabilang o kalahi ka ng nang-aaping bansa, kailangan ding mag-ingat sila at baka buweltahan sila ng walang katarungang pagkagalit ng mga naaapi.

Ngunit nawawala pala ang galit kapag umiral ang human side ng tao; kapag lumutang na ang malasakit bunga ng awa. Mas tumitingkad ang kabutihan ng lahing Pilipino. Kamakailan lang, napabalita na may pitong mangingisdang Chinese ang sinagip ng mga mangingisda ring Pinoy sa dagat ng Tawi-Tawi sapagkat lumubog ang barko ng mga banyaga. Iniulat ng Philippine Coast guard na natiyempuhan lamang na naglalayag ang F/B King & Queen ng mga Pinoy nang mamataan nila ang minalas na barko lulan ng mga Chinese kaya agad namang lumutang ang pagkabayani ng ating mga kababayan at sinagip ang nananaghoy na mga banyaga.

Sinabi pa ng PCG, nasunog ang fishing vessel ng mga Chinese sa may Mouligi Island, Mapun nang mamataan ng ating mga mangingisda. Tiniyak naman ng PCG na nasa maayos na kalagayan ang mga nasagip na Chinese bago dinala ang mga ito sa Puerto Princesa. Sa paglagablab ng apoy sa barko, nakatalon ang pitong mangingisdang Chinese sa dagat bago ito lumubog. Iniimbestigahan na ng PCG ang pagkakakilanlan ng mga Chinese sa kabila ng hindi pagkaalam ng mga ito ng English.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kabila ng ating kaapihan, naroon pa rin ang pagdamay sa kapwa na nananalantay sa ating mga ugat.