Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa mga pamamaraan kung paanong pananatilihing aktibo ang ating buhay sa ating pagreretiro. Gayong marami sa atin na negatibo ang pananaw sa sandali ng pagreretiro, hindi natin isinasantabi ang ating pagkakasakit bunga ng kahinaan ng pangangatawan ngunit mas mataas ang posibilidad na maging mas masaya, malusog, at kapaki-pakinabang tayo pagsapit ng mga taon ng takipsilim.

Kung ikaw ay kandidato sa pagreretiro, narito pa ang ilang mungkahi upang manatiling aktibo nang matamasa ang masaya at maginhawang pamumuhay...

  1. Sumubok ng something new. - Kung noon ay narinig mo lang na mainam ang swimming sa pangkalahatang kalusugan ngunit wala kang panahon dahil abala ka sa trabaho at sabik sa pahinga, ang pagreretiro ang pagkakataon mo upang gawin iyon. Bago sa iyo ang back free? Subukan mo. Ang butterfly? Subukan mo. Talagang nenerbiyusin ka ng sumubok ng isang bagay na hindi mo pa nagagawa. Ngunit sa maliliit na pagsubok at tiyaga, matutuklasan mo na lamang na ine-enjoy mo na ang iyong mga oras sa isang bago na nakakasanayan mo na.
  2. Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

  3. Maging mas mahusay sa something old. - Kung noon hindi mo makuha ang ilang tipa sa gitara at limot mo na ang ilan doon, sa pagreretiro ka magkakaroon ng pagkakataon na pag-aralan uli iyon at maging mas mahusay. Ito na rin ang pagkakataon mo upang pasarapin ang iyong sinigang at kare-kare at may panahon ka na ulang bantayan ang iyong sinaing.

Lahat tayo ay may isinuko noong kabataan natin bunga ng iba’t ibang prioridad sa trabaho at natitiyak kong magiging maligaya ang ating pamumuhay kung bibisitahin nating muli ang nawaglit na hilig sa panahon ng ating pagreretiro.

Sapagkat marami na tayong oras para sa sarili, ang pagreretiro ang pinakamainam na oportunidad na maging mas magaling, mas mainam, mas kapaki-pakinabang na miyembro ng ating pamilya, komunidad at lipunan.