Anim na imported na mananakbo ang magtatagisan sa 2014 Philracom 5th Imported-Local Challenge Race sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas bukas ng hapon.

Kasabay nito, ang pagkilala sa isang mahusay na trainer na si Dr. Antonio Alcasid Sr. dahil sa mga naiambag na panalo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Lalarga mula sa 1,600 meters distance ang mga kalahok na Bentley, Excelsia, Hosso Porte, Jade Avenue, La Furia Roja at Mara Miss.

Ang laban ng anim na kalahok ang kikilala sa isang horse trainer sa kanyang naibahagi sa larangan ng industriya.

Ang La Furia Roja, sasakyan ni jockey Jonathan B. Hernandez, ang siyang binibigyan ng malaking laban sa grupo. Ang Bentley ay gagabayan naman ni jockey Dominador H Borbe, Excelsia ni jockey Pat R. Dilema, Husso Porte ni jockey J.A. Guce, Jade Avenue ni jockey Nick K. Calingasan at Mara Miss ni jockey A.P. Asuncion.

Kabilang sa dadalo sa karera ay sina Chairman Angel L. Castano Jr., Commissioner Jess Cantos at iba pa.