Agosto 9, 1859, naipa-patent ang elevator. Ang patent ay ibinigay sa American inventor na si Elisha Graves Otis.

Noong 19th century, ang mga elevator ay pinapagana para maihatid ang mga materyales sa mga pabrika, minahan at bodega. Kalaunan, ang mga elevator ay ginamit na rin sa devices na nag-aakyat ng mga turista sa platform para makita ang panoramic view ng London, at tinawag na “ascending room” na itinayo ng mga arkitektong sina Burton at Hormer.

1853 nang ipakita ng Otis ang freight elevator na kinabitan ng safety device upang maiwasan ang pagkahulog at mga aksidente. Na-inspire siya na mag-imbento ng elevator ng kanyang boss na si Josiah Maize, na hiniling sa kanya na magdisenyo ng isang bagong hoisting device na magbubuhat ng mabigat na equipment sa itaas na palapag ng kanilang pabrika. Isa rin si Otis sa mga nag-imbento ng brake na ginagamit sa mga elevator sa kasalukuyan.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte