Roger Federer; Peter Polansky;

TORONTO (AP)- Rumolyo si Roger Federer sa 6-2, 6-0 victory kontra kay wild card Peter Polansky sa ikalawang round ng Rogers Cup, habang nagsi-abante rin sina Stan Wawrinka, Ernests Gulbis at Richard Gasquet para sa U.S. Open tuneup kahapon.

Kinailangan lamang ni Federer ang 52 minuto upang dispatsahin ang Canadian netter, tinalo si 2013 Wimbledon finalist Jerzy Janowicz noong Martes ng gabi. Ang second-seeded na si Federer ay nagkaroon ng bye sa unang round.

Sinabi ni Federer na normal na sa kanya na ‘wag maawa lalo na kung ang makakaharap niya ay mahinang kalaban, ngunit batid niya na kailangan pa rin niyang makipagsabayan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

‘’You never know when it can shift,’’ pahayag ni Federer. ‘’You feel a little bit and then you end up losing the match.’’

Naghabol si third-seeded Wawrinka upang ikasa ang 4-6, 6-3, 7-6 (2) victory kontra kay Benoit Paire. Umakyat si No. 11 seed Gulbis sa ikalawang round matapos ang 6-3, 6-4 win laban kay Joao Sousa ng Portugal. Binigo ni Gasquet ang local favorite na si Vasek Pospisil, 7-5, 7-5.

‘’He has an extra motivation because it’s being home,’’ sambit ng 12th-seeded na si Gasquet. ‘’It’s the same when I’m playing in France. But yeah he had big expectations on him, especially here in Toronto.’’

Nakatakda si Pospisil na sumaialim sa MRI sanhi ng abductor injury upang mapuwersa siyang mag-withdraw sa doubles competition kung saan ay table sa 5 ang iskor.

Nagsipagwagi rin sina No. 16 seed Fabio Fognini at 17th-seeded Tommy Robredo.

Pinataob ni Fognini si Russia’s Mikhail Youzhny, 6-4, 6-3, habang napasakamay ni Robredo held ang 6-3, 7-6 (3) victory kay Philipp Kohlschreiber.

Dinominahan ni Jack Sock ng United States si Jurgen Melzer ng Austria, 6-1, 6-3 sa first round upang maitakda ang paghaharap nila ni big-serving Canadian Milos Raonic.

‘’I’m definitely excited for tomorrow,’’ saad ni Sock sa pakikipagharap kay Raonic. ‘’The juices will be flowing. He got me in my home country last week, so I’m going to try to maybe get some revenge.’’

Dinismaya ni Raonic si Sock, isang Nebraska native, sa straight sets sa Wimbledon at muli noong nakaraang linggo sa Citi Open sa Washington.