FRANCE (Reuters)— Bubuksan ng isang ospital sa French city ng Clermont-Ferrand ang isang wine bar kung saan maaaring namnamin ng terminally ill patients ang “medically-supervised” na isa o dalawang baso kasama ang kanilang mga pamilya.

“Why should we refuse the charms of the soil to those at the end of their lives? Nothing justifies such an prohibition,” sinabi ng Clermont-Ferrand University Hospital Center sa isang pahayag.

Sinabi ng pinuno ng center, si Dr. Virginie Guastella, na ang mga may taning nang pasyente ay may karapatan “[to] enjoy themselves”.

Ang bar ang magiging una sa France na mag-aalok ng ganitong pasilidad sa mga pasyente at kanilang mga pamilya. Ang staff ay espesyal na sasanayin bago ito magbukas sa palliative care center ng ospital sa Setyembre.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists