Nagpatupad ng big time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng madaling araw.

Tinapyasan ng Petron ng P2.25 ang presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P24.75 na bawas-presyo sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG.

Bukod dito, kinaltasan din ng P1.25 ang presyo ng auto-LPG na karaniwang ginagamit sa taxi.

Mas mababa naman ang ipinatupad na rollback ng Shell na P1.90 o P20.90 sa regular nitong tangke ng Solane.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Nagbaba rin ang Total Philippines ng P2 kada kilo katumbas ng P22 sa kanyang 11-kg. na LPG bandang 6:00 ng umaga.

Samantala ikinatuwa ng mga may-ari ng karinderya ang pagbaba ng presyo ng LPG sa merkado at umaasang masusundan pa ang malaking bawas presyo nito sa susunod na buwan.