FORT DEL PILAR, Baguio City – Mahigit 16,000 kabataang lalaki at babae na nag-apply para maging kadete ang inaasahang sasailalim sa Philippine Military Academy (PMA) entrance examination mula sa 37 exam center sa bansa bukas, Linggo, Agosto 3.

Tutukuyin ng PMA Entrance Examination ang kaalaman ng mga aplikante sa Math (Algebra at Geometry), English (Grammar, Composition, at Reading and Comprehension) at Abstract Reasoning (Verbal and Numerical Reasoning at Pattern Analysis).

Ayon kay Col. Norbert Aromin, assistant chief of staff ng Civil Military Operations, ang mga aplikanteng papasa sa pagsusulit ay magiging miyembro ng PMA Class 2019 at inaasahang papasok sa akademya sa Abril 1, 2015. - Rizaldy Comanda

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho