BALITA

DFA: 225 Pinoy, na-repatriate na mula Ukraine
Umabot na sa 225 na Pinoy ang napauwi na sa Pilipinas mula sa Ukraine na patuloy na binobomba ng mga sundalo ng Russia.Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo at sinabing kabilang sa nasabing bilang ang 52 na indibidwal na dumating sa bansa...

Fuel excise tax issue: Pera na nasa National Treasury, gamitin na lang -- Drilon
Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maaaring gamitin ng pamahalaaan ang bilyung-bilyong pera na nakaimbak sa National Treasury (NT) bilang subsidiya sakaling kanselahin ang excise fuel tax. Aniya, nakalaan sa mga social services ang pera mula sa excise...

₱121M jackpot sa lotto, walang nanalo--premyo, lolobo pa! -- PCSO
Inaasahang dadagsain na naman ang mga lotto outlet sa bansa matapos ihayagng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang nanalo sa dalawang magkahiwalay na draw ng Ultra at Super Lotto nitong Linggo ng gabi kung saan mahigit sa₱121 milyon ang nakalaang kabuuang...

Lumabag sa 'gun ban' ng Comelec, pumalo na sa 1,791 — PNP
Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), may kabuuang 1,791 katao na ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).Kabilang sa mga nahuli ang 1,740 sibilyan, 27 security guard, 15 pulis, at siyam na tauhan ng militar, ayon sa pahayag...

QC, maglulunsad ng libreng anti-rabies vax, spay, neuter services sa ilang lugar sa lungsod
Inanunsyo ng Quezon City government nitong Linggo, Marso 13, ang iskedyul at lugar ng libreng anti-rabies vaccination, spay, at neuter services para sa mga alagang pusa at aso mula Marso 14-19.Ang mga aktibidad ay isasagawa ng City Veterinary Department (QCVD) sa ilang...

Lacson, nanawagang suspendihin na agad ang fuel excise tax
Dahil inaasahang tataas muli ang presyo ng petrolyo, dapat na agad na ipatupad ng gobyerno ang pansamantalang pagsususpinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo upang mabawasan ang epekto nito sa mga mamimili, ani presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson...

3 armadong lalaki, pulis, patay sa sagupaan sa Batangas
Bumulagta ang tatlong armadong lalaki nang makipagbarilan sa mga awtoridad na ikinasawi rin ng isang pulis sa Calatagan, Batangas nitong Sabado ng gabi.Ang tatlo ay kinilala ng pulisya na sina Joel Robles Herjas, Rolly Herjas, at Gabriel Robles Bahia, pawang taga-Brgy....

Campaign sorties ni Robredo sa ilan pang lugar sa umano’y ‘Solid North’, aarangkada
Inamin ng campaign team ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na una silang nag-alangan na pasukin ang umano’y “Solid North” ng mga Marcos, ani senatorial candidate at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. nitong Linggo, Marso 13.Dahil sa mainit na...

₱27M illegal drugs, huli sa buy-bust sa Iligan City -- PDEA
Natimbog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 10 (PDEA-10) ang ₱27 milyong halaga ng iligal na droga sa Iligan City, Lanao del Norte nitong Sabado ng gabi.Nakapiit na sa PDEA Regional Office sa Cagayan de Oro City ang suspek na si Arnel...

Minsa’y ‘pikon’ man sa bashers, Pangilinan, handang iurong ang cyber libel suits
Inamin ni Vice Presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan na siya’y nasasaktan din sa insultong ipinupukol sa kanyang pamilya, lalo na kung tungkol sa pagiging vocal sa social media ng anak na si Frankie.Matatandaang nagsampa ng cyber libel suits si Pangilinan sa ilang...