Naihambing ng dating senador at vice presidential candidate na si Atty. Kiko Pangilinan ang presyo ng kilo ng bawang at sibuyas sa bansang Thailand at Pilipinas, nang magtungo sila roon noong nakaraang buwan ng Setyembre.

Aniya, malaking-malaki ang pagkakaiba sa presyo ng bawang at sibuyas sa Thailand at Pilipinas dahil di hamak na mas doble rito sa bansa.

"Last week sa Bangkok, 50 baht o 85 pesos 1 kilo ng bawang. 35 baht o 60 pesos naman ang 1 kilo sibuyas. Dito sa atin 400 pesos 1 kilo ng sibuyas at 300 pesos naman ang bawang," ayon sa kaniyang tweet nitong Oktubre 6, 2022.

"2x more ang govt agri budget sa Thailand at 3x more naman sa Vietnam. Murang pagkain. Walang gutom."

National

Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang maglinis sa gov’t – Maza

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1577866146363379712

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Matagal na tayong napag-iwanan ng Vietnam at Thailand. Puro subdivision na ang mga lupain sa atin kasi unprofitable na ang agriculture, puro tayo import.. wala pang research for climate change adjustments… walang sense of innovation, walang imagination ang mga tao sa gobyerno."

"This is so true. I’ve been to Thailand maaaany times and their necessities are a whole lot cheaper compared to us. Yes, that’s because their economy is doing better than us but we are not far behind, pero ayon ang laki pa rin talaga ng difference."

"Papaano malulutas ang problema sa kahirapan at gutom kung ang malaking bahagi ng budget sa ating bansa ang napupunta sa korupsyon. Massive graft and corruption in the government is killing us Filipinos!"