BALITA

Construction worker, nasamsaman ng shabu sa Taguig
Inaresto ng pulisya ang isang construction worker sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig nitong Huwebes, Hulyo 20.Kinilala ng Drug Enforcement Unit ng Taguig City police ang suspek na si Roger Orsal, 51, na nahuli umano sa isang operasyon sa C5 Road, Waterfun, Barangay...

6,400 trabaho naghihintay sa mga residente ng Caloocan sa Mega Job Fair
Mahigit 6,400 trabaho ang naghihintay sa mga residente ng Caloocan City na naghahanap ng trabaho sa gaganaping Mega Job Fair sa Miyerkules, Hulyo 26. Ayon sa lokal na pamahalaan nitong Biyernes, Hulyo 21, magaganap ang Mega Job Fair sa Bulwagang Katipunan sa Caloocan City...

2 patay sa diarrhea sa Rapu-Rapu, Albay
Dalawa ang naiulat na nasawi matapos umanong tamaan ng diarrhea sa Rapu-Rapu, Albay kamakailan.Ayon sa Albay Provincial Health Office nitong Huwebes, ang dalawang namatay ay residente ng Barangay Manila, Rapu-Rapu.Pito pang pinaghihinalaang tinamaan ng sakit ang nakaratay pa...

PBBM sa Filipinas: 'The entire nation stands behind you with pride'
Nagbigay ng mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Filipinas women's football team sa kauna-unahang pagsabak nito sa FIFA Womens’ World Cup nitong Biyernes, Hulyo 21."We wish the ‘Filipinas’ women’s team the best of luck as they make history in their...

Lalaki sa Nigeria, pansamantalang nabulag nang 7 araw umiyak para sa world record; GWR, nagbigay-komento
Nagbigay ng komento ang Guinness World Records (GWR) hinggil sa kumakalat na mga ulat tungkol sa isang lalaki sa Nigeria na pansamantalang nabulag pagkatapos niyang umiyak sa loob ng pitong araw para masungkit ang isa umanong GWR title.Sa isang Instagram post nitong...

Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, papalo sa ₱29.7M; Lotto 6/42, ₱22M naman!
Milyun-milyong jackpot prize ang naghihintay sa mga lotto bettor ngayong Saturday draw!Sa jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo sa ₱29.7 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 habang ₱22 milyon naman sa Lotto 6/42.Nakatakdang bolahin...

DA, namahagi ng tig-₱5,000 ayuda sa mga magsasaka sa C. Luzon
Tig-₱5,000 na cash assistance ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa Central Luzon.Nasa 3,200 na magsasaka ang makikinabang sa nasabing Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng...

‘Egay,’ maaaring maging Super Typhoon sa mga susunod na araw – PAGASA
Ibinahagi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Hulyo 21, na napanatili ng bagyong Egay ang lakas nito at maaari umanong maging isang Super Typhoon sa mga susunod na araw.Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng...

Mga pahayag ni Duterte, datos ng pamilya ng ‘drug war victims,’ ilalatag umanong ebidensya sa ICC
Inihayag ni National Union of Peoples’ Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) Secretary General Kristina Conti na ilalatag nila bilang ebidensya sa International Criminal Court (ICC) ang mga talumpati at pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, maging ang mga datos...

Marcos, lilipad pa-Malaysia para sa 3 araw na state visit
Magtutungo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malaysia sa susunod na linggo para sa tatlong araw na state visit upang palakasin ang ugnayan at pakikipagtulungan nito para sa benepisyong pang-ekonomiya ng bansa.Sa ginanap na pulong balitaan sa Malacañang nitong Biyernes,...