May bago umanong tsikang nasagap ang co-host ni showbiz columnist Ogie Diaz na si Tita Jegs tungkol kay “It’s Showtime” host Kim Chiu.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Disyembre 16, ibinahagi ni Tita Jegs na todo-emote umano si Kim Chiu sa after party ng live taping ng ABS-CBN Christmas Party Special.

“Iyak daw nang iyak sa mga friends niya. Kino-comfort siya ng mga kaibigan niya. Lagi niyang tinatanong: Bakit daw ginaganoon siya ng lalaki? Nagmahal lang daw siya nang totoo,” kuwento ni Tita Jegs.

“Kay Gerald Anderson, iniwan siya. Si Xian Lim, nakipag-split din daw sa kaniya. Buti na nga lang daw, ‘Te, nandoon si Joshua Garcia. At ‘yun ang laging kinukulit ni Kim Chiu,” aniya.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Pero sabi ni Ogie “Pwede ring mali ang source mo, ha. Kasi ganoon naman ang mga artista. ‘Pag na-stuck dito, tsika-tsika. ‘Pag na-stuck naman doon, tsika-tsika. Ganoon siguro ‘yun, Jegs.”

“‘Yung source mo talaga, o. Parang may gustong palabasin,” dagdag pa ng showbiz columnist.

“Hindi, ‘Te. Medyo nababad lang si Kim Chiu kay Joshua Garcia that night. Matagal. Nagtsikahan. Wala namang malisya doon,” depensa ni Tita Jegs.

“So, wala na? ‘Yun lang?” paniniyak ni Ogie. 

“‘Yun lang, so far,” tugon ni Tita Jegs habang nagpipigil ng tawa.

Kasalukuyang umuugong ang balita na hiwalay na umano sina Kim at Xian lalo na nang burahin ng huli ang mga video nito sa kaniyang YouTube account kamakailan. 

MAKI-BALITA: Xian Lim, binura daw vlogs, videos na kasama si Kim Chiu

Nagbigay naman ng pahayag ang dalawa hinggil sa umaaligid na isyu tungkol sa kanila ngunit hindi naman malinaw sa kanilang mga sinabi kung ano na ba talaga ang totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Kim, muling nagsalita sa ‘hiwalayan issue’ nila ni Xian

MAKI-BALITA: Xian Lim pumalag sa mga tsika, isyung umaaligid tungkol sa kaniya