Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 22, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief

    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief

    By
    Balita Online
    December 18, 2023
    In
    BALITA National
    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief
    (Manila Bulletin File Photo)

    Pagtugis, paglipol sa NPA tuloy pa rin -- DND chief

    By Balita Online
    December 18, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Seryoso ang pamahalaan na tugisin at lipulin ang mga rebeldeng New People's Army (NPA) kasunod na rin ng pagkasawi ng isang sundalo sa sagupaan sa Balayan, Batangas kamakailan.

    "Ang AFP [Armed Forces of the Philippines] ay palaging nakabantay at hindi titigil sa pagsugpo ng lahat ng teroristang grupo na nagdudulot ng kapahamakan sa ating bansa," pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro, Jr. nitong Linggo.

    Nangyari ang sagupaan tatlong linggo matapos bigyan ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga dating kaanib ng mga rebeldeng grupo, kabilang na ang NPA.

    Nakiramay na rin si Teodoro sa pamilya ng nasawing sundalo kasabay ng pangako na tutulungan ito ng pamahalaan.

    Tiniyak din ni Teodoro na makatatanggap ng financial assistance  ang pamilya ng tatlo pang sundalo na nasugatan sa nasabing sagupaan.

    "We are ensuring that our wounded soldiers will receive the best medical care, and provide all the necessary assistance to the family of our slain soldier during this difficult time," anang opisyal.

    Nitong Linggo, Disyembre 17, nakasagupa ng tropa ng gobyerno ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas na ikinasawi ng anim na rebelde at isang sundalo.

    PNA

    Inirerekomendang balita

    Torre, sinupalpal si Darryl Yap

    Torre, sinupalpal si Darryl Yap

    Bumuwelta si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III sa direktor na si Darryl Yap matapos siya nitong murahin kasama si Palace Press Officer Atty. Claire Castro. Nag-ugat ito matapos ipagtanggol ni Torre ang patutsada ni Castro laban sa ilang guro na nagtuturo umano sa mga estudyante ng kawalan ng modo. 'Kaya, Darryl, bago ang 'PUTANG INA...

    15 guro sa Oriental Mindoro, ligtas na nasagip sa rumaragasang ilog

    15 guro sa Oriental Mindoro, ligtas na nasagip sa rumaragasang ilog

    Matagumpay na nasaklolohan ng mga awtoridad ang 15 gurong na-stranded sa Sitio Naswak, Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Huwebes, Agosto 20 kasunod ng biglang pag-apaw ng Bongabong River.  Batay sa pahayag ng Police Regional Office (PRO) - Mimaropa noong Biyernes, Agosto 21, ang pag-apaw ng Bongabong River ay nagdulot ng pagkaputol ng tinatawiran nilang kawayang tulay.  Batay pa...

    Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!

    Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!

    Ninakaw ang isang baka matapos umanong tangayin ng hindi pa nakikilalang mga suspek mula sa isang lugar sa Purok 6, Barangay Baybay, Tangalan, Aklan. Ayon sa may-ari na si alyas “Jimmy,” napansin niyang nawawala ang kaniyang alagang baka nang puntahan niya ang pinaglalagyan nito bandang 7:00 ng umaga. Agad umano niyang hinanap ang hayop sa paligid ngunit hindi na ito natagpuan. Sa isinagawang...

    Features

    FEATURES

    1

    Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

    August 22, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

    August 22, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

    August 22, 2026

    FEATURES

    4

    #BalitaExclusives: Sikreto at payo nina lola para magkaroon ng mahaba at masayang buhay!

    August 21, 2026

    FEATURES

    5

    Ninoy sa huling liham niya kay Cory: 'All the things I want to tell you may be capsulized in one line - I love you!'

    August 21, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Bakit binansagang ‘Young Man in a Hurry’ si Ninoy Aquino?

    August 21, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Saksakan ng kuryente, nagsiklab matapos mabasa ng ulan!

    August 20, 2026

    FEATURES

    8

    #BALITAnaw: Ang maaksyong karera, buhay ni ‘Da King’ FPJ

    August 20, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita