BALITA
- Probinsya

Nang-rape sa may diperensiya sa isip
SAN JOSE, Batangas - Pinaghahanap ng pulisya ang isang lalaki na umano'y pinagsamantalahan ang kahinaan ng isang dalagang may kapansanan sa pag-iisip at nagawa pa itong gahasain sa San Jose, Batangas.Ayon sa report ni PO1 Judy Liwag, Biyernes nang dumulog sa pulisya ang ina...

Drug surrenderer binistay
MARIA AURORA, Aurora - Tatlong tama ng bala ang ikinamatay ng isang drug surrenderer makaraan itong ratratin ng hindi nakilalang salarin ilang metro ang layo sa bahay nito sa bayan ng Maria Aurora sa Aurora.Sa ulat ni Chief Insp. Bayani Balbuena, hepe ng Maria Aurora Police,...

2 binatilyong rider patay sa truck
PALAYAN CITY - Dalawang binatilyo ang nasawi at sugatan naman ang isa pang binatilyong kasama nila makaraang sumalpok sa dump truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Nueva Ecija-Aurora Road sa Palayan City, Nueva Ecija.Sa ulat ni Chief Insp. Arnel Santiago, hepe ng Palayan...

P490k nalimas sa ninakaw na passbook
IBAAN, Batangas - Halos kalahating milyong piso ang na-withdraw ng isang electrician mula sa passbook na kanyang ninakaw sa isang 73-anyos na babae sa Ibaan, Batangas.Ayon sa report ni PO2 Allan Comia, nagtungo sa himpilan ng pulisya si Erlinda Mercado para isuplong ang...

Gun ban sa Iloilo
ILOILO CITY – Sinimulan nang ipatupad ang gun ban sa Iloilo City kaugnay ng pagdaraos sa siyudad ng dalawang pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-6 Director Chief Supt. Jose Gentiles na nagsimulang ipatupad ang gun...

112 sakada na-rescue sa 'pagmamaltrato'
CAUAYAN CITY, Isabela – Nasa 112 katao, kabilang ang tatlong menor de edad, ang na-rescue makaraang mabiktima umano ng human trafficking sa Barangay Alicaocao sa Cauayan City, Isabela.Ang mga biktima ay pawang sakada, o trabahador sa tubuhan, mula sa Saranggani, Negros...

Pagliligtas sa mag-asawang Duterte, puspusan
Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) na pinaigting pa ng Joint Task Forces Zam ang operasyon nito upang mailigtas ang mag-asawang negosyante na dinukot sa Siocon, Zamboanga del Norte, nitong Biyernes ng gabi.Sinabi ni...

Surigao muling nilindol: 1 patay, 25 sugatan
BUTUAN CITY – Patay ang isang 65-anyos na babae na inatake ng sakit sa puso, habang 25 iba pa ang nasugatan, sa magnitude 5.9 na pagyanig sa Surigao City, kahapon ng umaga.Sa isang panayam kay Surigao del Norte Gov. Sol F. Matugas, kinumpirma niyang 25 katao ang isinugod...

Labi ni Kantner natagpuan sa Sulu
Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na natagpuan ng Marine Battalion Landing Team 3 ng Joint Task Force Sulu (JTF-Sulu) nitong Sabado ng gabi ang bangkay ng German na si Juergen Gustav Kantner, na binihag at pinugutan ng Abu Sayyaf Group (ASG) makaraang...

153 nawalan ng trabaho, inayudahan
Inayudahan ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang may 153 manggagawa sa Sultan Kudarat na nawalan ng trabaho dahil sa El Niño, sa pagbibigay ng tulong-pangkabuhayan na aabot sa P1.1 milyon.Hinimok ni DoLE-Region 12-Sultan Kudarat Field Office Head Arlene R. Bisnon...