NI: Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Boluntaryong sumuko sa pulisya ang isang 50-anyos na prominenteng negosyante makaraang barilin at mapatay ang lalaking nagpaulan ng bala sa kanyang bahay nitong Lunes ng gabi, sa Barangay Bayanihan, Gapan City, Nueva Ecija.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, ang sumuko na si Juan Perez, ng Divina Pastora Subdivision, Gapan.

Kusang-loob na nagtungo si Perez sa himpilan ng pulisya at isinuko ang sarili, pati na ang baril na ginamit sa pamamaril kay Marvin Garcia, 31, ng Barangay Sta. Cruz.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Sa ulat, nagtungo si Garcia sa bahay ni Perez dakong 10:30 ng gabi at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ang bahay ng huli, na gumanti ng putok at tinamaan si Garcia sa aktong tumatakas sakay sa motorsiklo.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril ni Garcia sa bahay ni Perez.