Ni: Leo P. Diaz

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Mistulang matindi ang galit ng hindi pa kilalang lalaki na halos inubos ang mga bala sa magazine ng kanyang .45 caliber pistol sa 21-anyos na mekaniko hanggang sa napatay niya ito sa Barangay Buenaflor sa Tacurong City, Sultan Kudarat, nitong Huwebes ng umaga.

Kaagad na nasawi si Jay-R Dalgan y Gumbao, 21, may asawa, mekaniko, at residente ng Purok Rosal, Bgy. New Isabela sa lungsod, dahil sa natamong maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa pagsisiyasat ni PO2 Gerard San Pedro, ng Tacurong City Police, lumapit ang suspek kay Dalgan bandang 9:20 ng umaga at paulit-ulit itong pinaputukan.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo at apat na slug ng .45 caliber pistol.