BALITA
- Probinsya
Tumaas na naman ang tinamaan ng virus sa lalawigang tarlac
LEANDRO ALBOROTE TARLAC PROVINCE- Aabot na naman sa 46 katao sa lalawigang Tarlac ang iniulat na tinamaan ng virus sa COVID-19 na halos nadoble nitong nakaraang araw. Ayon sa Department of Health (DOH), direktang tinamaan ang 28 katao sa Tarlac City; pito sa bayan ng Capas;...
2 patay sa truck vs kotse sa Laguna
ni Danny Estacio STA. ROSA CITY, Laguna – Dalawa ang naiulat na namatay nang salpukin ng isang truck ang kanilang sinasakyang kotse sa national highway ng Bgy. Macabling sa naturang lungsod, nitong Sabado ng madaling araw. Ang mga binawian ng buhay ay kinilala ng Sta. Rosa...
Guro, sinunog nang buhay sa Nueva Ecija
Ni ARIEL AVENDAÑO NUEVA ECIJA – Sinunog nang buhay ang isang 63-anyos na lalaking guro matapos umano nitong gulpihin ang suspek sa Bgy. San Pascual sa Sto. Domingo ng nasabing lalawigan, nitong Huwebes ng hapon. Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rolando dela Cruz,...
Rebelde, utas sa Quezon encounter
ni Danny Estacio QUEZON – Napatay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ng grupo nito ang tropa ng gobyerno sa Mauban, nitong Biyernes ng hapon. Sa report ng militar, kinikilala pa rin ang nasabing rebelde na may mga tama ng bala sa katawan....
Wanted, kasabwat, patay sa shootout
ni Mary Ann Santiago Isang lalaking itinuturing na No. 1 most wanted person (MWP) sa Tigbauan, Iloilo at kasabwat nito, ang napatay nang manlaban umano sa mga awtoridad habang sinisilbihan ng warrant of arrest sa Antipolo City, nitong Miyerkules ng gabi. Isa sa mga napatay...
Riding in-tandem, patay sa shootout
ni Danny Estacio LAGUNA – Napatay ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang riding in-tandem habang isinasagawa ang “Oplan Sita” sa Langkiwa-Timbao Road sa Biñan City sa nasabing lalawigan, kahapon ng madaling araw. Hindi pa matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan...
Construction worker, pisak sa crane truck
ni Liezle Basa Iñigo Kalunus-lunos ang naging kamatayan ng isang trabahador nang madurog ito matapos masagasaan ng isang crane truck habang ito ay natutulog sa Bgy. Baay sa naturang bayan, nitong Sabado. Kinilala ni Staff Sgt. Hercules Salinas, Jr., may hawak ng kaso, ang...
Teacher, arestado sa droga
ni Liezle Basa Iñigo CAGAYAN – Tinatayang aabot sa P68,000 halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nasamsam sa bahay ng isang guro sa Bgy. Flourishing sa Gonzaga sa naturang lalawigan, nitong Biyernes. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rhia Tolentino, 38, at...
P12-M ‘damo’, hashish oil, nasabat
ni Zaldy Comanda MT. PROVINCE – Arestado ang isang umano’y miyembro ng isang drug syndicate nang masabat sa kanya ng mga awtoridad ang P12 milyong halaga ng marijuana bricks at hashish oil sa Bauko, Mountain Province, nitong Biyernes. Nasa kustodiya na ng Philippine Drug...
10 lugar sa Mindanao, apektado kay ‘Auring’
ni Ivy Tejano DAVAO CITY – Sampung lugar sa Mindanao ang isinailalim sa Signal No.1 kaugnay ng paghagupit ng bagyong ‘Auring’ kahapon. Kabilang sa mga ito ang Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del...