TUGUEGARAO CITY - Nahawaan na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 67 sa healthcare workers ng lungsod, kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Jefferson Soriano at sinabi na ang nasabing bilang ay kasama sa 773 active cases ng sakit sa lugar.

Itinuturing niyang mataas ang naturang bilang at posible pang tumaas ito sa susunod na mga araw.

Nangangamba rin ang alkalde sa inaasahang pagdagsa pa ng mga pasyente sa mga ospital at isolation units kahit puno na ang mga ito.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

“Nagkaroon kami ng problema, dumadami ang home isolation at hindi na kaya ng isolation ng LGU,” ayon pa sa alkalde.

Liezle Basa Iñigo