TUBA, Benguet – Nalambat na ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang isa sa kanilang High Value Target drug personality na lider din umano ng drug syndicate at nagpapakalat ng iligal na drogasa Benguet at Baguio City, kamakailan.

Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang nadakip na si Ricardo Manuson, alyas Bryan, kilalang lider ng drug group, at dalawa pa niyang kasamahan na sina Richie Lomibao Sison at John Derik Damoco.

Hindi na aniya nakapalag ni Manuson nang dakpin ito ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation saSitio Tagadi, Tadiangan, Tuba, nitong Agosto 12, dakong 8:58 ng gabi.

Bukod sa₱34,000 halaga ng iligal na droga, nasamsam din sa suspek ang isang Cal. 38 revolver, marked money at isang cellular phone.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Zaldy Comanda