BALITA
- Internasyonal
4 indibidwal sa Yemen, nasawi dahil sa kidlat
Apat ang nasawi sa northern provinces ng bansang Yemen dahil sa kidlat, ayon sa mga lokal na opisyal nitong Linggo, Agosto 13.Sa ulat ng Xinhua, inihayag din umano ng local health authorities na apat pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente ng kidlat sa mga probinsya...
Eiffel Tower, pansamantalang nilisan dahil sa 'bomb alert'
Isang bomb alert umano ang nag-udyok sa mga turistang lisanin muna ang tatlong palapag ng Eiffel Tower sa Paris, France nitong Sabado, Agosto 12.Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng SETE, ang nagpapatakbo sa site, na sinuri ng bomb disposal experts at mga pulis ang...
Magnanakaw ng bike sa California, nakipaglaro muna sa aso ng biktima bago tumakas
Isa umanong magnanakaw ng bisikleta sa San Diego, California ang huminto muna sa garahe ng bahay ng kaniyang ninakawan para makipaglaro sa aso ng biktima bago tuluyang tumakas.Sa ulat ng San Diego Police Department noong Biyernes, Agosto 4, inihayag nito na pinasok ng...
China niyanig ng magnitude 5.4 na lindol, 21 sugatan
Tinatayang 21 indibidwal umano ang nasugatan matapos yanigin ng magnitude 5.4 na lindol ang silangang bahagi ng China nitong Linggo ng madaling araw, Agosto 6.Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng US Geological Survey (USGS) na nangyari ang lindol bandang 2:33 ng...
Lalaki sa Nigeria, pansamantalang nabulag nang 7 araw umiyak para sa world record; GWR, nagbigay-komento
Nagbigay ng komento ang Guinness World Records (GWR) hinggil sa kumakalat na mga ulat tungkol sa isang lalaki sa Nigeria na pansamantalang nabulag pagkatapos niyang umiyak sa loob ng pitong araw para masungkit ang isa umanong GWR title.Sa isang Instagram post nitong...
Mag-asawa sa US, nakarating sa 116 bansa sakay ng kotse
Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang mag-asawa sa United States na nakarating umano sa 116 mga bansa sa pamamagitan lamang ng kanilang kotse.Sa ulat ng GWR, nakamit ng mag-asawang sina James Rogers at Paige Parker mula sa New York, US, ang record title na “most...
5 palapag na gusali sa Egypt gumuho, 7 patay
Nasawi umano ang pitong indibidwal matapos gumuho ang limang palapag na gusali sa Cairo, Egypt nitong Lunes, Hulyo 17.Sa ulat ng Xinhua, bukod sa pitong nasawi ay isa rin umano ang nasugatan dahil sa pagguho ng naturang gusali.Iniulat naman ng state-run Ahram website, na...
Mahigit 4,000 indibidwal, lumikas dahil sa wildfire sa La Palma, Spain
Mahigit 4,000 mga residente sa La Palma, Spain ang lumikas sa kanilang mga tahanan matapos umanong sumiklab ang isang wilfire sa 4,500 ektaryang lupain sa nasabing lugar.Sa ulat ng Xinhua, nagsimula ang wildfire nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 15.Naging sanhi umano ito...
Alaska Peninsula, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol; walang tsunami threat sa PH – Phivolcs
Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos yanigin ng magnitude 7.3 na lindol ang Alaska Peninsula nitong Linggo ng hapon, Hulyo 16.“No destructive tsunami threat exists based on available data....
22 indibidwal sa South Korea, nasawi matapos ang malalakas na ulan
Hindi bababa sa 22 inbidwal ang nasawi sa South Korea matapos bumuhos ang malalakas na ulan na nagdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at pag-apaw ng ilang mga dam sa bansa, ayon sa mga opisyal nitong Sabado, Hulyo 15.Sa ulat ng Agence France-Presse, bukod sa mga nasawi ay 14...