Nagbanta si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na dudurugin ang Gaza, ang lugar na sinakop ng mga Palestino, kasunod na rin ng surprise attack ng Palestinian militant group na Hamas kamakailan.

Pinayuhan na ni Netanyahu ang mga sibilyan sa Gaza na lumayo na mula sa mga lugar na hawak ng Hamas upang hindi sila madamay o maipit sa giyera.

Aniya, patuloy pa rin ang kanilang air assault sa Gaza Strip hanggang sa matalo ang nasabing militanteng grupo na may kontrol sa nasabing lugar simula 2007.

Nitong Lunes aniya, ipinatupad na ng Israel ang "total siege" sa Gaza Strip kasabay na rin ng pagputol sa suplay ng tubig, elektrisidad, pagkain at gas bilang ganti sa grupo.

Pinatawag na rin ng Israel ang mahigit 300,000 Army reservists nito upang sumalakay sa naturang teritoryo ng mga Palestino.

"We are fighting animals and are acting accordingly," sabi naman ni Defense Minister Yoav Gallant at sinabing ginagawa lamang nila ito para sa kapakanan ng 2.3 milyong mamamayan ng Israel.

Sa datos naman ng Israeli health officials, halos 1,300 na ang nasawi sa giyera.

Matatandaang nilusob ng Hamas ang Israel nitong Sabado, Oktubre 7, na ikinasawi kaagad ng aabot sa 250 katao at ikinasugat ng mahigit sa 1,500 iba pa.

AFP

Internasyonal

'I don't want your help anymore!' Trump, ekis na sa NATO