Nakiramay ang Israel Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss sa pamilya ng dalawang overseas Filipino workers (OFW) na nasawi sa Israel dahil sa nagaganap na giyera roon.

Sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel (ANC) nitong Miyerkules, Oktubre 11, nakiramay si Fluss sa pamilya ng mga nasawi.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

“I would like to take this opportunity to express my condolences to the families but also to express our gratitude to those 6 Filipinos and generally to the OFWs in Israel who are there staying with our families, with the elderly people," anang Israel Ambassador.

"Even in the time of this emergency, the Filipinos are not requesting to be evacuated from Israel.”

Sinabi rin ni Fluss na patuloy na pinapasok ng militar ng Hamas ang Israel. Maging ang border sa Gaza ay aniya binomba na rin.

"The border with Gaza has been bombed... It is a war situation. There is no discussion with Hamas which is holding 150 plus captives. People have been kidnapped from Israel... No humanitarian gestures," aniya.

Matatandaang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagkamatay ng dalawang Pinoy sa Israel nitong Miyerkules.

Base sa bagong datos ng DFA, mayroong 30,000 na Pilipino ang nasa Israel habang 137 Pinoy naman ang nasa Gaza.

Maki-Balita: 2 Pinoy, patay sa Israel-Hamas war

Samantala, sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes, Oktubre 1, naghihintay pa umano sila ng safe window para tuluyang mailikas ang mga Pinoy na kasalukuyang naiipit sa giyerang nagaganap sa Israel.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, hindi pa napapanahon na magsagawa ng mass repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Israel.