Rommel Tabbad
6 OFWs mula Lebanon, dumating na sa bansa
Dumating na sa bansa ang anim na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon matapos tumakas dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Lebanese militant group na Hezbollah, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Ang mga naturang OFW ay dumating...
Comelec office sa Samar, nasunog
Naabo ang bahagi ng gusali ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Margarita, Samar matapos masunog nitong Huwebes ng umaga. Ito ang kinumpirma ni Comelec chairman Erwin Garcia nitong Biyernes at sinabing walang naapektuhang election results dahil naiproklama na lahat...
Bulkang Mayon, 113 beses yumanig
Umabot pa sa 113 ang naitalang pagyanig ng Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ipinahayag ng Phivolcs, nagkaroon din ng 133 rockfall events ang bulkan, bukod pa ang naitalang tatlong pyroclastic...
LPA sa Isabela, nalusaw na!
Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Isabela. Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang Kalinga, Apayao at Cagayan Valley sa...
2 pang OFWs na nasawi sa giyera sa Israel, iuuwi na sa Pilipinas -- OWWA chief
Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang bangkay ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Darating sa bansa ang bangkay ng Pinay nurse na si...
Mga nanalo sa Brgy., SK elections, naiproklama na!
Naiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) nitong Oktubre 30. Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco sa isang television interview at sinabing nasa 100 porsyento ng resulta...
MMDA sa mga bibisita sa sementeryo: 'Iwasang gumamit ng mga single-use plastic'
Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bibisita sa sementeryo ngayong Undas na iwasang gumamit ng mga single-use plastic upang maiwasan ang polusyon. Sa social media post ng MMDA, binanggit nito ang mga single-use plastic katulad ng kutsara,...
Halos 3.8M mahihirap, naayudahan na ng DSWD
Halos 3.8 milyong mahihirap ang natulungan na ng pamahalaan, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez nitong Martes, Oktubre 31. Paliwanag ng opisyal, tumanggap ng iba't ibang uri ng tulong ng DSWD ang aabot sa 3,799,979...
Pasaherong nahulog sa barko sa Batangas, pinaghahanap pa rin
Pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang pasahero ng barkong pag-aari ng 2GO Shipping Corporation matapos mahulog sa karagatang bahagi ng Calatagan, Batangas nitong Martes ng hapon. Nitong Miyerkules ng umaga, itinuloy ng Coast Guard Sub Station (CGSS)...
Presyo ng sibuyas, bawang stable pa rin -- DA
Matatag pa rin ang presyo ng sibuyas, bawang at mga pangunahing bilihin sa bansa. Ito ang sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa kasabay ng paniniyak na sapat pa rin ang suplay ng mga nasabing agricultural product ngayong taon. Aniya,...