Rommel Tabbad
Gilas Youth, pinaluhod ng Iran sa FIBA U-18 Asian Championship
Nasa 6th place lang ang Gilas Pilipinas Youth matapos paluhurin ng Iran, 89-72, sa FIBA Under-18 Asian Championship sa Azadi Basketball Hall, Tehran nitong Linggo ng hapon. Umabante pa ang Gilas Youth, 18-17, sa unang bugso ng laban. Gayunman, nakuha ng Iran ang abante sa...
Jordan Clarkson, dinumog ng fans: Pamosong Tenement court sa Taguig, binisita
Damang-dama ni Filipino-American NBA star Jordan Clarkson ang hilig ng mga Pinoy sa basketball nang bisitahin nito ang pamosong Tenement court sa Taguig nitong Linggo ng umaga. Dumagsa ang mga naghihiyawang fans sa naturang court upang masilayan si Clarkson sa unang...
Krimen sa bansa, bumaba -- PNP
Bumaba ang naitalang crime incidents sa bansa sa nakalipas na walong buwan, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo. Sa panayam sa radyo, binanggit ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, nasa walong porsyento ang ibinaba ng krimen sa Pilipinas...
Aftershock ng July 27 earthquake, yumanig sa Abra
Matapos tamaan ng malakas na lindol nitong Hulyo 27, niyanig naman ng 5.2-magnitude ang Abra nitong Linggo, Agosto 28. Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kabilang ito sa aftershocks ng 7.0-magnitude na pagyanig sa Abra nitong...
4 sugatan sa sasakyang nahulog sa bangin sa Benguet
Sugatan ang apat katao, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Kibungan, Benguet, nitong Sabado ng tanghali. Kabilang sa nasugatan sina Filmore Esong, Sr., 41, Bernadette Esong, 39-anyos, at dalawang menor de edad.Sa...
Saudi Arabia, sasagupain sa Lunes: Gilas Pilipinas, sasabak agad sa ensayo
Sasabak kaagad sa ensayo ang Gilas Pilipinas upang mapaghandaan ang laro nila laban sa Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Lunes, Agosto 29. Ang koponan ay dumating sa bansa nitong Sabado ng umaga mula sa Beirut kung saan sila natalo laban sa koponan ng Lebanon nitong...
Covid-19 cases sa 'Pinas, bumaba pa!
Bumaba pa ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa matapos maitala ang 2,565 na nahawaan nitong Sabado, Agosto 27. Ito na ang ikalawang sunod na araw na naglalaro sa mahigit 2,000 ang kaso ng sakit sa Pilipinas. Nitong Biyernes, Agosto 26, umabot...
'Dumi' diretso sa dagat: Floating cottages, ipagigiba ng Cebu mayor
Gigibain ng Lapu-Lapu City government sa Cebu ang mga floating cottage kung hindi makikipagtulungan sa pamahalaan ang mga may-ari nito. Ito ang banta ni City Mayor Junard Chan matapos umani ng batikos ang operasyon ng negosyo sa karagatang sakop ng Barangay Marigonon kasunod...
Omicron subvariant cases sa PH, nadagdagan ng 147 -- DOH
Tumaas na naman ang bilang ng kaso ng Omicron subvariant cases sa bansa matapos madagdagan pa ito ng 147 nitong Agosto 24. Sa pahayag ng Department of Health (DOH), ang mga nasabing kaso ay naitala sa Davao Region, Calabarzon, Soccsksargen, Bicol Region, Ilocos Region,...
Mahigit P285M imported na asukal, itinago sa QC warehouse -- BOC
Nadiskubre ng mga tauhan ng gobyerno ang mahigit sa 57,000 sakong imported na asukal na nagkakahalaga ng₱285 milyon sa isang bodega sa Quezon City kamakailan. Sa report ng Bureau of Customs (BOC), nabisto ang libu-libong sakong asukal na inangkat sa Thailand sa bodega ng...