March 23, 2026

Home BALITA National

‘Biro lang?’ DOH, nagbabala sa mga naninipol at bastos na komentaryo sa kababaihan

‘Biro lang?’ DOH, nagbabala sa mga naninipol at bastos na komentaryo sa kababaihan
Photo courtesy: Freepik

Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga paninipol at pagbibitiw ng anumang bastos na komentaryo sa kababaihan bilang parte ng komemorasyon sa National Women’s Month. 

Sa inilabas na video advisory ng DOH noong Sabado, Marso 21, mariing ipinaalala na ang mga aktong ito ay maituturing na gender-based sexual harassment sa ilalim ng Republic Act No. 11313 o ang “Safe Spaces Act” na kilala rin bilang “Bawal Bastos Law.” 

Kasama rin sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng batas na ito ay ang paulit-ulit na pangungulit o paghabol sa babae sa pampublikong lugar, at pagkuha o pagkalat ng litrato o video ng katawan ng babae nang walang pahintulot. 

Kaya hinihikayat ng DOH ang kababaihan na huwag mahiyang i-report sa barangay, pulis, o gender desk ang pangha-harass na naranasan upang agad itong maaksiyonan. 

Ang mga sumusunod ang hotlines ng mga ahensyang maaaring pagsumbungan: 

National

Tatanggap din! ₱5k fuel subsidy, ipamamahagi sa higit 9k magsasaka—DA

- National Emergency Hotline (24/7): 911

- Philippine National Police (PNP) : 117

- Aleng Pulis Hotline (PNP Women and Children) : 09197777377 at 09667255961

- PNP Women and Children Protection Center (24/7) : (02) 8532-6690