Ibinahagi sa Senate impeachment trial ng ikalawang tumayong testigo ng prosecution nitong Martes, Setyembre 1, 2026, na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Col. Magtanggol Panopio ang tila naging pagkagulat umano nila nang malamang nadawit ang certification ng Philippine Army (PA) sa liquidation ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte noon.
Bago ni Panopio, nauna nang pabulaanan ni AFP Col. Manaros Boransing II nito ring Martes na nakatanggap ang PA ng pondo mula sa DepEd noong 2023 dahil sa ikinasa nilang programang Youth Leadership Summit (YLS) at Information Education Communication (IEC) campaign noon.
Kaugnay ito sa umano’y ₱15.54 milyong nagastos sa confidential funds ng DepEd bilang “reward” umano sa programang ikinasa ng Philippine Army (PA) noon.
KAUGNAY NA BALITA: AFP, walang natanggap sa confidential funds ng DepEd—Testigo
Sa pagkuwestiyon naman ng presiding officer na si Senator-Judge Chiz Escudero, kinumpirma ni Panopio na pormal niya lang daw nalaman na ginamit ng DepEd ang certification ng PA noong Oktubre 17, 2024.
“Col. Panopio, the date of the hearing si October 17, 2024, so doon n’yo po unang nalaman na ginamit ‘yong inyong certification bilang isa sa mga liquidation document ng DepEd sa COA AOM?” tanong ng presiding officer.
Tugon naman ng testigo, “Doon ko lang po formally nalaman ‘yong information na iyon, Your Honor.”
Pahabol naman ni Escudero, “Did you have any reaction, Colonel, upon hearing or knowing that?”
Ani Panopio, medyo nagulat daw sila noon dahil para lang umano ang sertipikasyong isinumite nila sa ikinasa nilang YLS at hindi raw ito nagpapatunay sa anomang nagastos na pera o pondo.
“Medyo nagulat po kami. Kasi ‘yon pong aming certification is only for the certification that we conducted at the Youth Leadership Summit. Hindi po namin isini-certify anything about money or funds, Your Honor,” diin niya.
Samantala, iginiit naman ni Panopio na wala raw siyang posisyon na magsalita sa ahensya ng DepEd at wala raw siyang nalalaman sa naging dahilan noon ng naturang ahensya.
“Do you know? Did DepEd ever explain to you why they did that?” ‘ika ni Escudero.
“I think, Your Honor, I cannot answer for the DepEd. I can only answer for our office, Your Honor. I don’t know, Your Honor,” pagtatapos ng koronel.
KAUGNAY NA BALITA: Col. Boransing, walang reaksiyon sa confidential funds ng DepEd, pagkadawit ng AFP!
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Alan, nag-interject sa prosecution lawyer; Sen. Chiz, sumingit!