August 31, 2026

Home BALITA Politics

Kiko sa panalo ng mama niya: 'Cavite has decided, the Barzaga Dynasty wins again!'

Kiko sa panalo ng mama niya: 'Cavite has decided, the Barzaga Dynasty wins again!'
Photo courtesy: Kiko Barzaga, Jenny Barzaga (FB)

Ipinagdiwang ni dating Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang pagkapanalo ng kaniyang ina na si Dasmariñas City Mayor Jennifer “Jenny” Austria-Barzaga sa special election para sa congressional seat ng distrito.

Sa kaniyang social media post noong Linggo, Agosto 30, matapos ang halalan, diretsahang sinabi ni Kiko, “Cavite has decided, the Barzaga Dynasty wins again!”

Photo courtesy: Screenshot from Ex-Congressman Kiko Barzaga/FB

Kalakip ng kaniyang pahayag ang hashtag na #Barzaga2028.

Ang post ay ginawa matapos ideklara si Jenny bilang panalo sa halalang isinagawa noong Sabado, Agosto 29, para punan ang puwestong nabakante niya matapos siyang patalsikin sa Kamara, dahil sa patong-patong na ethics complaints laban sa kaniya.

Politics

Nagsaluhan! Isa pang anak ni Jenny Barzaga, papalit sa kaniya bilang mayor ng Dasma

Nakakuha si Jenny ng 201,893 boto, malayo sa kaniyang pinakamalapit na katunggali na si dating Dasmariñas Vice Mayor Raul Rex Rosario Mangubat, na nakakuha ng 30,373 boto. Sinundan naman siya nina dating konsehal Jacinto Frani Jr. na may 24,350 boto, Marvin Dupal-ag na may 1,184 boto, at Leysander Ordenes na may 561 boto.

Nag-iwan din siya ng pasaring kay Mangubat, sa isa pang Facebook post.

"Kung nagtrabaho lang si Rex Mangubat noong Vice Mayor siya edi sana mas marami ang nakuha niyang boto! Ipon muna lods, laban ulit sa 2028," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Ex-Congressman Kiko Barzaga/FB

Matapos ang pagkapanalo ni Jenny, isa pang miyembro ng pamilya Barzaga ang inaasahang aakyat sa isang posisyon sa lokal na pamahalaan. Si Vice Mayor Elpidio “Third” Barzaga III, isa pa sa mga anak ni Jenny, ang nakatakdang sumalo sa pagka-alkalde ng Dasmariñas kapag umupo na sa Kamara ang kaniyang ina.

Maki-Balita: Barzaga pa rin! Ermats ni Kiko Barzaga, waging kongresista sa Cavite

Maki-Balita: KILALANIN: Ang bagong kongresista ng Dasmariñas na si Jenny Barzaga

Samantala, si Kiko ay unang naging kinatawan ng Cavite 4th District noong Hunyo 2025. Ngunit noong Hunyo 2, 2026, tuluyan siyang pinatalsik ng House of Representatives matapos aprubahan ang rekomendasyon ng Committee on Ethics and Privileges sa botong 265 pabor, 14 tutol at 8 abstention.

Maki-Balita: Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!

Ang pagpapatalsik kay "Congressmeow" ang naging dahilan upang mabakante ang puwesto at maisagawa ang special election sa Dasmariñas.