August 29, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jen Oliveros, nagpasalamat sa paggabay ni Toni Fowler

Jen Oliveros, nagpasalamat sa paggabay ni Toni Fowler
Photo courtesy: Jen Oliveros/FB

Nagpaabot ng pasasalamat ang kontrobersyal na social media personality na si Jen Oliveros sa mga taong patuloy umanong gumagabay at sumusuporta sa kaniya, partikular sa mga miyembro ng "Toro Family" na sina Toni at Mari Fowler.

Sa isang social media post nitong Sabado, Agosto 29, ibinahagi ni Jen ang mensaheng nagpapakita ng kaniyang pagpapahalaga sa Toro Family, partikular kina Toni Fowler at Mari Fowler.

“And in a world full of people pretending to be flawless and obsessed with perfection, I'll always choose the ones who are simply human…” aniya.

Kasunod nito, pinasalamatan niya sina Toni at Mari sa “walang sawang paggabay,” pagpapaalala sa kaniya kung ano ang tama at mali, at pagmamahal na hindi umano nagbago kahit marami siyang naging pagkakamali.

"Toro Family, Mommy Toni Fowler, Mama Mari Fowler, salamat sa walang sawang paggabay, sa pagpapaalala kung ano ang tama at mali, at sa pagmamahal na hindi nagbago kahit gaano karami ang sablay ko. Mahal na mahal ko kayo," aniya.

Tsika at Intriga

Pinuri ang SB19! Celeste Legaspi, 'binembang' ng ilang BINI fans

Photo courtesy: Screenshot from Jen Oliveros/FB

Timing ang mensahe ni Jen sa sunod-sunod na kontrobersiyang kinasangkutan niya sa social media, partikular ang mga hindi pagkakaunawaan niya sa ilang kapwa content creators.

Naging viral sa nagdaang mga linggo ang magkakahiwalay na isyu nila ng mga kapwa influencers na sina Lash Omadto, Forda Ferson, Kamangyan at iba pang content creators.

Umabot sa milyon-milyong views ang ilan sa mga video, live stream at pahayag na may kaugnayan sa kanilang mga alitan.

Isa sa mga naging sentro ng usapin ang dating pagkakaibigan nina Jen at Forda.

Naging usapin din ang hidwaan nina Jen at Lash, na nagsimula umano sa isang insidente na may kinalaman sa pabango at kalaunan ay nauwi sa legal na aksyon. Gayunman, binigyang-diin ng ulat na hindi malinaw ang buong detalye ng naturang kaso.

Maki-Balita: VIRAL: Awayang Jen, Lash, Forda, Kamangyan, atbp!

Noong Agosto 6, humingi ng tawad si Jen sa kaniyang mga follower kaugnay ng mga naging aksiyon niya sa mga isyung umingay sa TikTok.

Maki-Balita: Jen Oliveros, humingi ng tawad; legal na aksyon laban sa mapanirang posts, kasunod?

Sa kaniyang pagharap sa mga kontrobersiya, ipinaliwanag naman ni Jen sa Toni Talks kung bakit pinipili niyang magsalita at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa publiko kapag may hindi pagkakaunawaan.

Ayon sa kaniya, nahihirapan siyang manahimik kapag ang mga taong mahalaga sa kaniya, partikular ang kaniyang pamilya, ang nadadamay. Aminado rin siyang may mga pagkakamali siya sa paraan ng pagharap sa mga problema, ngunit nais lamang umano niyang maipaliwanag ang kaniyang panig at ang pinagmulan ng mga isyu.

Sa mismong panayam ni Jen kay Toni, nagbigay naman ang TV host ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng “beauty from within.”

“Sobrang ganda ng outside mo. The inside should also be as beautiful as the outside.”

Dagdag pa ni Toni, “No more hurting, no more lashing out.”

“Thank you, Ate Toni!” sagot naman ni Jen.

Maki-Balita: Perfect na raw outside! Payo ni Toni Gonzaga kay Jen Oliveros, 'beauty within' naman ayusin