August 06, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jen Oliveros, humingi ng tawad; legal na aksyon laban sa mapanirang posts, kasunod?

Jen Oliveros, humingi ng tawad; legal na aksyon laban sa mapanirang posts, kasunod?
Photo courtesy: Jen Oliveros/TikTok

Humingi ng tawad sa kaniyang followers ang content creator na si Jen Oliveros dahil sa kaniya raw naging aksyon kaugnay sa mga isyung umingay sa social media, partikular sa TikTok.

"Regarding the recent issue, I want to sincerely apologize to my followers who were disappointed by my actions over the past few days," saad ni Oliveros sa isang pahayag na ipinost niya sa TikTok noong Agosto 5.

"I acknowledge that I reacted out of heightened emotions, and I take responsibility for how I chose to handle certain things," dagdag pa niya.

Sinabi rin ng content creator na ang usapin ay dumaraan na sa tamang legal na proseso, kabilang ang pangangalap ng impormasyon kaugnay sa mga account na nagpapakalat umano ng mapanirang post laban sa kaniya.

"At this point, the matter is being handled through the proper legal channels, including the documentation and identification of accounts involved in spreading statements that we believe to be false, malicious, and defamatory," saad ni Oliveros.

Tsika at Intriga

Barbie Forteza, dream wedding sa Vegas para may diborsyo; 'binasag' ng abogado

Sa huling bahagi ng pahayag, humingi rin ng pasensya ang content creator sa mga brand na patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kaniya.

"To the brands who have continued to trust and support me, thank you. And I sincerely apologize for the noise surrounding all of this."

Photo courtesy: Jen Oliveros/TikTok

Samantala, sa isa pang Tiktok post, ibinahagi ni Oliveros ang tungkol sa pagpapatawad sa sarili.

"Forgive yourself for the moments you could have handled better. Take accountability, learn from them, and give yourself grace for doing the best you could with what you felt at the time. You may not have handled everything perfectly, but you found the courage to face it. I acknowledge what happened, I learned from it, and now I'm choosing to move forward and become better," saad niya.

Sa kabila ng mga pahayag, hindi na idinetalye ni Oliveros kung anong eksaktong isyu ang kinasangkutan niya. 

Matatandaang sunod-sunod ang viral contents ng usap-usapang content creators, at trending issues ang pinagdiskitahan at pinag-usapan ng mga netizen online.

Iba't ibang opinyon, magkakaibang panig ng kuwento, at walang patid na parinigan ang bumalot diumano sa TikTok, dahilan para maging sentro ito ng usapan ng mga netizen.

Kabilang dito si Oliveros, maging ang iba pang content creators na si Lash Omadto, at sina Forda Ferson o Chrish Ann Austria, Mentor Daniel o Daniel Nico Laudit, at iba pa nilang kaibigan na pawang content creators din.

Maki-Balita: VIRAL: Awayang Jen, Lash, Forda, Kamangyan, atbp!