August 29, 2026

Home SPORTS

PhilTa, level-up sa pagsusulong ng tennis dahil sa impluwensya ni Alex Eala!

PhilTa, level-up sa pagsusulong ng tennis dahil sa impluwensya ni Alex Eala!
Photo courtesy: John Rey Tiangco (FB)

Nakikita umano ng Philippine Tennis Association (PhilTa) na isang oportunidad ang malaking impluwensya ni Filipina tennis sensation Alexandra “Alex” Eala sa kabataan at mga Pilipino upang isulong pa ang sports na tennis sa Pilipinas. 

Matatandaang isa sa huling inukit na kasaysayan ni Eala para sa kaniyang karera at para sa Pilipinas ang pagiging kampeon niya noong Agosto 4, 2026, sa WTA 500 Mubadala DC Open sa Washington, D.C.

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, kampeon sa Mubadala DC Open!

Sa naging pahayag ni PhilTa Secretary General at Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa panayam sa kaniya ng media nitong Biyernes, Agosto 28, 2026, sinabi niyang nagbigay raw ng espesyal na bagay ang dedikasyon at nakamit ni Eala para sa kabataan at mga Pilipino. 

“Alex has given the Filipino something special through her achievements and her hard work. A lot of kids are now inspired to pick up the rocket. A lot of parent wants to watch tennis,” pagsisimula niya. 

Mag-utol na Yulo, pinupulido preparasyon sa 20th Asian Games!

Dagdag pa niya, “So it’s not just a promotion of tennis. Actually, a lot of Filipino now believe that, hopefully one day, they can also make it and compete in the world scene.” 

Ani Tiangco, gampanin daw nila na ilipat ang inspirasyong binuksan ni Eala upang maging oportunidad sa pagbubukas ng mga bagong programa, coaching, pasilidad, at magbigay-daan sa ibang mangagarap na maglaro ng tennis. 

“On our part, sa PhilTa, it’s our responsibility to translate this opportunity, translate this inspiration to opportunity. And have programs, better coaching, better facilities, and pathways for everyone to play tennis,” diin niya. 

“And just in case they want to excel, nandiyan ‘yong mga program natin,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nakatakda namang maglaro muli sa Pilipinas si Eala sa darating na Disyembre 8, 2026, sa Araneta Bocaue, Bulacan, sa kaniyang marquee exhibition match laban sa pambato ng Indonesia na si Janice Tjen. 

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, pinuri; tumangging pumirma sa watawat

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, madalas 'di nanonood ng laro ni Alex Eala kasi raw 'malas'—Palasyo