Muling umukit ng kasaysayan para sa Pilipinas ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos niyang makamit ang kampeonato sa WTA 500 Mubadala DC Open sa Washington, D.C. nitong Martes (araw sa Pilipinas), Agosto 4, 2026.
Nakaharap Eala sa finals ang kasalukuyang world rank no. 3 ng Women's Tennis Association (WTA) mula sa United States of America (USA) na si Jessica Pegula.
Sa naging paghaharap nina Eala at Pegula, nakapagtala sila na kabuuang mga set score na 4-6, 6-4, 6-0, pabor sa Filipino pride.
Maituturing na ito ang pinakamalaking titulo na nakuha ni Eala sa kaniyang karera, kauna-unahang WTA Tour title at WTA 500 crown na nakamit ng isang Filipina sa naturang sports.
Sa naging mensahe ni Eala, mariin siyang nagpasalamat para sa Filipino community sa Washington D.C. sa Pilipinas, at maging sa buong mundo para inilaang suporta sa kaniya ng mga ito.
“I really, guys, I feel all the love. Maraming-maraming salamat mga kababayan,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Before the final yesterday, actually, I got so many messages, sweet messages from my family and from my friends who are on tour wherever else in the world. I feel so much love.”
Ani Eala, bago pa man magsimula ang finals, alam na niyang isang panalo na ang makarating sa pinal na yugto ng torneo dahil wala na raw siyang talo sa lahat ng kaniyang narating para sa kaniyang personal na karera.
“So standing here, in the middle of all these love, my first chance at a title, knowing it won’t be my last, and already achieved this feat, and this new milestone from my career, I knew that whatever would have happened after this match, it would have already been a win for me,” pagtatapos pa niya.
Bago nito, nauna na munang pataubin ni Eala sina Qinwen Zhen (China), Leylah Fernandez (Canada), Elina Svitolina (Ukraine), at Naomi Osaka (Japan).
Sa kasalukuyan, tumaas na bilang world rank no. 20 si Eala sa WTA matapos niyang makuha ang kauna-unahan niyang WTA Tour title.
KAUGNAY NA BALITA: Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!
KAUGNAY NA BALITA: ‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship