Nakatanggap ng papuri ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala dahil sa kamalayan niya pagdating sa kung ano ang bawal gawin sa pambansang watawat ng Pilipinas.
Sa isang video clip na lumutang sa X noong Martes, Agosto 4, mapapanood ang pagpapapirma sa kaniya ng fans matapos ang makasaysayan niyang tagumpay sa ginanap na DC Open victory.
Iba’t ibang gamit ang pinapirmahan ng fans kay Alex gaya ng tennis ball at sumbrero. Hanggang sa may isang nag-abot ng flag. Ngunit sa halip na pirmahan, sinaway niya ito.
“Bawal sa flag,” saad ni Alex.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"I didnt knowww bawal sa flaggg, huhu Alexxxxxx the woman that u areeeeeeee! "
"Parang shunga lang gusto ipapirma yung flag hay naku buhay ibalik yan sa Elemenatary."
"For some reasons, her class reminds me of Mikee Cojuangco. I’m so happy that her generation has her to look up to!"
"'bawal sa flag' ignorance of the law excuses no one talaga... kudos alex."
"She is a superstar in the making!!! Im proud ti be a Filipino! !!! i can stand to anybody and say Im a Filipino!!!"
"She knows bawal sa flag. There is a Philippine Flag Law."
"May breeding. May class. Alam ang batas. Kaya sure ako hindi DDS si Alex"
"humble, simple at may etiquette"
Matatandaang sang-ayon sa Republic Act 8491 o mas kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines, ipinagbabawal ang paglalagay sa watawat ng "word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisements, or imprint of any nature."
Ipinagbabawal din ang pagpinsala, pagsira, paglapastangan, pagtapak, o pamamalahura sa watawat sa pamamagitan ng anomang kilos o pagpapabaya na magiging dahilan ng pambabastos sa watawat.
Kaugnay na Balita: PBBM, madalas 'di nanonood ng laro ni Alex Eala kasi raw 'malas'—Palasyo