August 28, 2026

Home BALITA

Kamay ng pulis na naputol at naikabit, tuluyan nang pinutol ng mga doktor!

Kamay ng pulis na naputol at naikabit, tuluyan nang pinutol ng mga doktor!
Contributed photo

Tuluyan nang pinutol ng mga doktor ang kamay ng viral na pulis na minsan nang naikabit matapos maputol bunsod ng pananaga sa Camarines Sur.

Ayon sa mga ulat, patuloy na inoobserbahan sa Bicol Medical Center ang naturang pulis matapos mapagdesisyunan ng mga doktor na muling putulin ang kaniyang kaliwang kamay.

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang ospital subalit ayon sa San Jose Municipal Police Station, ang nangyaring pagputol sa kamay ng biktima ay upang matugunan ang paglala umano ng kaniyang kondisyon.

Matatandaang rumesponde ang biktima sa Barangay Calalahan, San Jose noong Sabado, Agosto 22, matapos silang makatanggap ng report hinggil sa lalaking nag-aamok umano dala ang isang bolo.

Pagdating sa lugar, sinubukan pang pakalmahin ng biktima ang suspek subalit bigla na lang umano siyang inatake ng lalaki kung saan siya natumba at pinagtataga.

National

12.4% ng mga Pilipino, 'multidimensionally poor' ayon sa PSA!

Kaagad naman siyang nirespondehan ng kasamahan niyang mga pulis at binaril sa hita ang suspek upang matigil ang pag-atake. 

KAUGNAY NA BALITA: Pulis, naputulan ng kamay sa pag-awat sa lalaking nag-amok gamit ang bolo! 

Noong Agosto 24 nang napaulat na matagaumpay na naikabit ng mga doktor ang naputol na kamay ng biktima matapos sumailalim sa tinatayang walong oras na operasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Kamay ng pulis na naputol sa pagresponde, naikabit na!

Samantala, kinilala naman ng Philippine National Police (PNP) ang naging sakripisyo ng naturang pulis at tiniyak na magpapaabot sila ng kaukulang tulong.

“I commend PSSg Noli M. Miraña for his courage and professionalism, and his fellow officers for immediately coming to his aid. Despite the danger they faced, they remained focused on protecting lives and bringing the situation under control,” ani PNP Chief Jose Melencio Nartatez sa kaniyang pahayag noong Linggo, Agosto 23.

KAUGNAY NA BALITA: PNP, kinilala mapayapang interbensyon sa insidenteng pag-aamok sa Camarines Sur