Nagpaabot ng simpatya at pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa mga naapektuhan ng malawakang flash flood sa border area ng mga bansang Nepal at China.
“The Philippines extends its deepest condolences to our friends in and to all those affected by the deadly flashflood yesterday,” saad ni PBBM sa maiksi niyang pahayag nitong Huwebes, Agosto 27.
“Our deepest sympathies go out to those who lost family, loved ones and friends. Please accept our most heartfelt prayers for strength in this difficult time,” dagdag pa ng Pangulo.
Batay sa pinakahuling ulat ng Nepali police, hindi bababa sa 270 ang nasawi bunsod ng nasabing flash flood.
Ayon naman sa Nepal Tourism Board, dakong 2:45 ng hapon ngayong araw, 644 travelers ang nawawala bunsod ng pagbaha, kabilang na ang isang Pinoy.
Base pa sa kumpirmasyong inilatag ng Palasyo nito ring Huwebes, walang napaulat na Pinoy na nasawi matapos ang pagragasa ng naturang flash flood.
KAUGNAY NA BALITA: Walang Filipino casualties sa flash floods sa Nepal-China borders—Malacañang-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Flash flood sa Nepal, kumitil na ng 162 katao!-Balita
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit sinalanta ng rumaragasang flash floods ang border area ng Nepal at China?-Balita
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB, AP