August 27, 2026

Home BALITA Internasyonal

Walang Filipino casualties sa flash floods sa Nepal-China borders—Malacañang

Walang Filipino casualties sa flash floods sa Nepal-China borders—Malacañang
Photo courtesy: Screenshot from RTVM/AP

Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na wala pang napapaulat na Pilipinong nadamay sa naganap na delubyo ng flash floods sa border area ng Nepal at China, na nanalanta sa mga pamayanan noong Miyerkules, Agosto 26.

Sa isinagawang press briefing ng Palasyo nitong Huwebes, Agosto 27, sinabi ni Castro na wala pang napapaulat sa kanila ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Filipino casualties ba sa nabanggit na kalamidad.

Batay naman sa records ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at maging DFA, may 18 overseas Filipino workers (OFWs) sa Nepal habang may 128 Pinoy naman, na karamihan ay mga babaeng nakapangasawa ng lokal.

Sa kabilang banda, patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa nabanggit na bansa para matiyak na nasa kaligtasan ang mga Pinoy na naninirahan doon.

Nagpaabot din ng pakikisimpatya si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. tungkol sa trahedya.

Internasyonal

ALAMIN: Bakit sinalanta ng rumaragasang flash floods ang border area ng Nepal at China?

“Ang kaniyang mensahe ay nakakalungkot ang ganitong pangyayari. Patuloy nating ipagdasal ang maging magandang kondisyon ng mga tao na naapektuhan ng kalamidad sa Nepal," aniya.

Sa unang mga ulat, iniuugnay ang insidente sa posibleng lindol. Gayunman, lumilitaw sa mga bagong pagsusuri na isang malaking pagbagsak ng yelo at bato mula sa glacier ang nag-trigger ng landslide na nagtulak ng napakalaking agos ng tubig at debris patungo sa ilog.

Ayon sa mga eksperto na sinipi sa mga ulat, posibleng nakadagdag sa panganib ang patuloy na pag-init ng klima at pagkatunaw ng mga glacier sa Himalayas. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang eksaktong mekanismo na nagpasimula sa sakuna.

Sa ilang lugar, biglaan ang pagtaas ng tubig kaya kakaunti ang naging oras ng mga residente upang makapaghanda. May mga ulat ding walang malakas na pag-ulan bago dumating ang rumaragasang tubig sa ilang apektadong komunidad.

Maki-Balita: Flash flood sa Nepal, kumitil na ng 162 katao!

Maki-Balita:  ALAMIN: Bakit sinalanta ng rumaragasang flash floods ang border area ng Nepal at China?