Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi lamang ang New Clark City ang lokasyong pinag-aaralan ng gobyerno para sa mga proyekto pa sa ilalim ng United States-led Pax Silica initiative.
Sa pagharap sa media ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo kamakailan, iginiit niyang ang isa pa lamang ang New Clark City sa mga lokasyong tinitingnan ng gobyerno para sa mas marami pang proyekto ng Pax Silica na ilalagak sa bansa.
"New Clark City is just one of the projects, and it will be focused on advanced manufacturing," ani Rodolfo.
Saad pa ng Undersecretary, nananatiling pinag-uusapan pa ang iba pang lokasyon, kabilang ang pagtatayo ng economic zone na para lamang sa data centers.
"The whole stack of AI, we will discuss to determine other locations for those other areas," paliwanag pa niya.
Matatandaang nananatiling kontrobersyal ang pagtatayo ng Pax Silica sa Tarlac matapos itong tutulan ng karamihan hinggil sa negatibon nitong epekto sa kalikasan.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica
Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), nakatakdang masimulan ang unang bahagi ng konstruksyon ng Pax Silica sa Tarlac sa sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
Inaasahang magiging ganap ang operasyon ng proyekto sa loob ng 30 taon at inaasahang makatutulong ito upang mapalago ang exports ng bansa sa tinatayang $200 bilyon.
KAUGNAY NA BALITA: First phase sa site development ng Pax Silica, aabutin ng 3 hanggang 5 taon!
Paninigurado pa ng BCDA, wala raw gagastusin ang Pilipinas sa pagpapatayo ng Pax Silica. Anila, tanging lupa umano ang maibibigay ng pamahalaan, habang ang mga pribadong mamumuhunan ang inaasahang maglalaan ng puhunan para sa mga kinakailangang imprastraktura.
KAUGNAY NA BALITA: Gobyerno, wala raw gagastusin sa Pax Silica