August 13, 2026

Home BALITA National

Rep. Ridon, binanatan si Atty. Panelo: 'Dapat siya ang magpahinga!'

Rep. Ridon, binanatan si Atty. Panelo: 'Dapat siya ang magpahinga!'
Photo courtesy: HOR, Screenshot via GMA News

Tumirada si Bicol Saro Partylist Representative at House Prosecutor Terry Ridon na mas dapat daw na magpahinga na si dating presidential legal counsel Salvador Panelo kaysa kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan. 

Matatandaang nagkomento si Panelo matapos ang naging tila mainit na tensyon sa pagitan nina Kapunan at Atty. Kristine Ferrer, mula sa defense panel, sa impeachment trial noong Miyerkules, Agosto 12, 2026, kaugnay sa usapin kung maaari bang “yes” o “no” lang ang isagot ng testigo sa cross-examination, at tungkol sa misleading questions. 

“May generational gap. Matanda at bata. Talagang hindi magkakasalubong. Alam mo ‘yong matatandang abogado, kapag may kalaban na bata lalo na kung hindi nila maprobahan ang kaso nila, kung ano-ano ang mga sinasabi,” pagsisimula ni Panelo. 

Dagdag pa niya, “Nagbibigay ng mga snide remarks. Kumbaga, sinisiraan nila ‘yong responder kasi hindi nila maprobahan ang kaso nila sa pamamagitan ng mga testigo nila. Pero as between the old lawyer and beyond lawyer. Ah wala, talo ‘yong old lawyer. Kailangan ay magpahinga na siya.” 

KAUGNAY NA BALITA: Matanda versus batang lawyer: Panelo kay Kapunan, 'Magpahinga na siya!'

National

DepEd, nagpaalala: ATM payroll card, bawal gamiting collateral sa loan!

Sa naging tugon naman ni Ridon sa ikinasang press conference ng prosecution panel noon ding Miyerkules, binuwelta niyang mas dapat daw na magpahinga si Panelo at hindi niya raw alam kung bakit dumadalo ang huli sa impeachment trial araw-araw. 

“Actually, si Atty. Panelo ‘yong dapat magpahinga. Hindi ko nga alam kung ba’t siya nandito araw-araw,” pagsisimula niya. 

Ani Ridon, bakit pa raw nila papakinggan si Panelo kung panay kuwestiyon na raw ito sa impeachment trial noon pang mga unang nagdaang linggo. 

“More importantly, in the first weeks of the trial, hindi ba parang he was basically questioning the trial itself. So would we actually listen to him today na dapat magpahinga si Atty. Kapunan,” ‘ika niya. 

“Ang dapat magpahinga, si Atty. Panelo,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksiyon, o pahayag si Panelo kaugnay sa nasaad na ito ni Ridon. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘I don’t think I need to lecture you that!' Kapunan, Ferrer nagkagirian dahil sa 'misleading question'

KAUGNAY NA BALITA: 'Alangang bugbugin ko!' Kapunan, pumrenong 'figurative lang' spanking kay Ferrer