August 08, 2026

Home SHOWBIZ

Romnick Sarmenta, tinutulan ang Pax Silica

Romnick Sarmenta, tinutulan ang Pax Silica
Photo Courtesy: via MB

Sumali na rin ang aktor na si Romnick Sarmenta sa panawagan upang pigilan ang pagtatayo ng artificial intelligence (AI) hub center sa Pilipinas bilang bahagi ng Pax Silica Initiative.

Bahagi ito ng mas malawak na plano upang makabuo ng isang ligtas at matatag na AI ecosystem at supply chain, kasabay ng pag-akit ng malalaking pamumuhunan sa data centers, semiconductor manufacturing, at iba pang high-technology industries.

Maki-Balita: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica 

Sa isang X post ni Romnick noong Huwebes, Agosto 6, inilatag niya kung ano-ano ang mas dapat paglaanan ng gobyerno ng pondo kaysa sa mga AI hub center. 

Aniya, “We do NOT need Data Centers; we need Health Centers. We do not need AI. We need public libraries. We do not need buildings; we need farmlands.”

Vice Ganda, forever Kapamilya kahit wala raw kontrata!

“And we do not need possible jobs; we need the farmers to have their farms. And NO, you can't have our water,” dugtong pa ni Romnick.

Bukod kay Romnick, bumoses din si "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" Kapamilya Big Winner at "It's Showtime" host Brent Manalo noong Hulyo para tutulan ang Pax Silica. 

Maki-Balita: Sigaw ni Brent Manalo: 'No to Pax Silica!'

Samantala, binasag naman ng Palasyo ang mga espekulasyong makakapaminsala umano sa mga magsasaka sa lupain ng Tarlac ang naturang proyekto.

Maki-Balita: 'Maliit lang ang maookupa!' Pax Silica, 'di raw makaaapekto sa mga magsasaka—Palasyo