August 04, 2026

Home BALITA National

'Alex does it again!' PBBM, binigyang-pugay kampeonato ni Eala

'Alex does it again!' PBBM, binigyang-pugay kampeonato ni Eala
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Mubadala DC Open

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa naging kampeonato ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa Mubadala DC Open sa Washington D.C. nitong Martes (araw sa Pilipinas), Agosto 4, 2026. 

Nakaharap ni Eala sa finals ang kasalukuyang world rank no. 3 ng Women's Tennis Association (WTA) mula sa United States of America (USA) na si Jessica Pegula.

Sa naging paghaharap nina Eala at Pegula, nakapagtala sila na kabuuang mga set score na 4-6, 6-4, 6-0, pabor sa Filipino pride.

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, kampeon sa Mubadala DC Open!

Sa naging pahayag ni PBBM sa kaniyang Facebook post nito ring Martes, sinabi niyang muling ipinamalas ni Eala ang kanyang husay sa pagbibigay ng kauna-unahang titulo sa WTA 500 crown. 

National

PBBM, madalas 'di nanonood ng laro ni Alex Eala kasi raw 'malas'—Palasyo

“Alex Eala does it again,” pagsisimula niya, “The Philippines now has its first WTA 500 champion.” 

Anang Pangulo, patuloy raw pinatutunayan ni Eala ang posibilidad na hinaharap ng Pilipinas sa larangan ng tennis at nagmomotiba sa maraming kabataang atleta sa pangangarap nang walang limitasyon. 

“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible 

for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” aniya. 

“Kasama mo ang sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng panibagong tagumpay na ito. Mabuhay ka, Alex,” pagtatapos ni PBBM. 

Bago nito, nauna na munang pataubin ni Eala sina Qinwen Zhen (China), Leylah Fernandez (Canada), Elina Svitolina (Ukraine), at Naomi Osaka (Japan).

Sa kasalukuyan, tumaas na bilang world rank no. 20 si Eala sa WTA matapos niyang makuha ang kauna-unahan niyang WTA Tour title.

KAUGNAY NA BALITA: Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!

KAUGNAY NA BALITA: Alex Eala, rumatsada sa Wimbledon; pinabagsak defending champion!