July 31, 2026

Home BALITA National

Sen. Alan kay Sen. Ping: 'I never doubted na matapang, lahat nasa kaniya, e!'

Sen. Alan kay Sen. Ping: 'I never doubted na matapang, lahat nasa kaniya, e!'
Photo courtesy: APC, Senate of the Philippines

Tumirada si Sen. Alan Peter Cayetano sa kapuwa niya senador na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na matapang daw ang huli dahil kakampi umano nito ang lahat ng nasa administrasyon. 

Matatandaang pinasaringan ni Lacson noong Huwebes, Hulyo 30, 2026, ang taong nauna raw magsimula ng giyera subalit pasikreto na umanong nagre-request ng ceasefire sa kanilang bangayan.

“CEASEFIRE MY FOOT! Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala, at laway ang bala; pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?” ani Lascon.

KAUGNAY NA BALITA: Sinetch itey? Sen. Ping, binira umano'y taong pabulong na humingi ng ceasefire

Sa naging pahayag naman ni Cayetano sa kaniyang Facebook livestream noon ding Huwebes, binuweltang niyang hindi raw siya nagduda kailanman sa katapangan ni Lacson. 

National

'Malayo kumpara sa int'l media:' VP Sara, pumatutsada sa kalidad ng 'journalism' sa Pinas!

Ngunit giit niya, na kay Lacson ang lahat pati ang mga kakampi sa gobyerno kaya raw madali itong magturo. 

“Madali pong sabihing matapang ‘pag nasa administrasyon. [Si] Sen. Lacson, I never doubted na matapang. Pero katulad ngayon, kaya madaling magturo sa lahat, lahat nasa kaniya, e. Lahat sa administrasyon, lahat kakampi niya,” pagsisimula niya. 

Ani Cayetano, tila wala rin daw siyang palag kay Lacson kahit magpalitan daw sila ng mga akusasyon dahil wala raw tutulong sa kaniya at may lumang istilo raw ang huli na “nanunutok” sa mga hindi niya kakampi. 

“[Kapag] finile ko halimbawa, libel, kasi kung ano-anong sinasabi, baka matanggal pa ang fiscal kapag finile nila ‘yong kaso sa mga committees,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Pero ‘yon nga kasing style ni Sen. Lacson. Old style ‘yon. ‘Yong may hawak ka tapos ile-leaked mo through your other colleagues na ‘O, ito mga hawak’ kapag may kalaban or magkaibigan kayo. Pero once na na hindi kayo nag-agree, tututukan ka na. Ngayon, ako naman ang sina-sample niya.” 

Pagpapatuloy ni Cayetano, nauna na rin daw sampolan ni Lacson ang iba pa nilang kasamahan sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Chiz Escudero, at Sen. Joel Villanueva noon sa hindi niya binanggit na dahilan at siya naman daw ang tinututukan ng naturang senador. 

“Syempre nagtatampo rin si Sen. Lacson [kung] ba’t nagkaganoon. Ang problema, nagkaroon ng coup d'etat sa Senate, nakaupo kami, 13, kailangan [nila] ng boto, so now, ako naman po ang tinututukan niya,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Cayetano sa isinumiteng ebidensya ni Lacson sa OMB: ‘I welcome that’

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Ping sa 'malicious,' 'delicious' ni Sen. Alan: 'Bumigay na yata!'