Matapos ang ilang araw na nilang palitan ng tirada ni Sen. Alan Peter Cayetano, muling bumira si Sen. Ping Lacson hinggil sa hindi niya pinangalanang tao na umano’y humihingi na raw ng “ceasefire.”
Sa kaniyang X post nitong Huwebes, Hulyo 30, 2026, pinasaringan ni Lacson ang taong nauna raw magsimula ng giyera subalit pasikreto na umanong nag-aasam ng awat sa kanilang bangayan.
“CEASEFIRE MY FOOT! Anong uri ng tao ang magde-declare ng giyera, toy gun ang dala, at laway ang bala; pag na-confront ng bomba, magre-request ng ceasefire, pabulong pa?” ani Lascon.
Matatandaang nitong Hulyo nang umingay ang mga social media post ni Lacson matapos punahin ni Cayetano ang paglobo umano ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) niya, sa mga panahong hindi pa siya nakakabalik ng Senado.
Bunsod nito, nanindigan si Lacson na hindi raw niya palalampasin ang pag-atake ni Cayetano sa integridad niya at iginiit ang umano’y ghost projects sa Taguig—ang balwarte ng mga Cayetano.
“As of this morning, I’m still counting informants and witnesses, directly or through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place - the Payatas, QC jail,” saad pa ni Lacson noon sa kaniyang X post.
KAUGNAY NA BALITA: 'The Payatas, QC Jail!' Sen. Ping, ilalagay sa tamang lugar si Sen. Alan
Habang noong Martes, Hulyo 28 nang muling nagpasaring si Cayetano hinggil sa umano’y malisyosong mga impormasyon kasabay ng imbestigasyon ni Lacson sa ghost projects sa Taguig.
Aniya, “Alam n'yo ba 'yong malicious? Malicious is 'mali.' Meaning, 'wrong' pero 'delicious.' Ibig sabihin, masarap pakinggan. Kaya malicious.”
MAKI-BALITA: Sen. Ping sa 'malicious,' 'delicious' ni Sen. Alan: 'Bumigay na yata!'