July 25, 2026

Home BALITA National

'You can't help it!' Atty. Ligutan, aminadong isa sa mga sinita ni Sen. Padilla

'You can't help it!' Atty. Ligutan, aminadong isa sa mga sinita ni Sen. Padilla
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Inamin ni pro bono private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan na isa siya sa mga nasita ni Senator-Judge Robin Padilla na nakaantala sa pagsasalita nito sa gitna ng pagdinig sa Senate impeachment trial noong Miyerkules, Hulyo 22, 2026.

Matatandaang dumulog si Padilla sa presiding officer na si Senator-Judge Chiz Escudero dahil nakita niyang tila nag-ingay umano ang ilan sa prosecution team matapos niyang ihayag kay House Lead Prosecutor Gerville Luistro na huwag daw sanang maging “one-sided” ang mga ito.

“Alam ninyo, bawal po ang ginagawa [ninyo]... nagkokome-komento. Hindi po sila allowed mag-ingay. Korte po ito! I was interrupted!,” puna ni Padilla.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

Sa paliwanag naman ni Ligutan sa panayam sa kaniya ng isang radio station noong Huwebes, Hulyo 23, sinabi niyang aminado raw siya na isa siya sa mga napuna ni Padilla.

National

Akbayan kay Sen. Pia: 'Abogadong may argumentong pilipit, sa spliced video kumakapit!'

Depensa ni Ligutan, hindi raw kasi maiiwasan na magkaroon sila ng reaksyon sa nasaad ni Padilla na huwag maging “one-sided” ang prosecution dahil dapat daw iyong palagan.

“Admittedly. I was also nakaharap sa front. Pero ano, kasi parang hindi mo maiiwasan kasi ‘yong mga reaction na ‘yan. Kapag may mga bagay na, sorry for the term, dapat mong palagan, ‘yon parang you can’t help it,” pagsisimula niya.

Dagdag pa niya, “I have to admit, I was making a gesture na we are the prosecution team. Parang napaka-respectful na sort I’m saying na ‘Ano bang ine-expect ng publiko from us?’”

Diin ni Ligutan, sila raw ang prosecution team at trabaho nilang mag-prosecute ng nasasakdal sa Korte, dahilan daw para maging natural at walang malisya ang reaksyon nila sa naging tirada ng naturang senator-judge.

“Kami ‘yong prosecution team. We are supposed to prosecute. ‘Yon ‘yong natural reaction. Wala pong halong malice or bad faith. Talagang that was a natural reaction. We can’t help it,” aniya.

Pagpapatuloy ni Ligutan, naniniwala raw siyang may gusto at wasto namang puntuhin si Padilla at tila na-misunderstood o hindi lang daw ito naintindihan ng marami.

“In fairness naman kay Senator-Judge Robin Padilla, I think naano lang, na-misunderstood ‘yong sinabi. Parang alam kong may ibig siyang sabihin na sa tingin niya is tama. Siguro mali lang ‘yong pagkakasabi,” pagtatapos niya.

KAUGNAY NA BALITA: Banat ni Senator-Judge Robin: 'Sana hindi one-sided ang ating prosekusyon!'

KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kapunan sa birada ni Sen. Robin na one-sided ang prosecution: 'Quote for the day!'