July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz sa pag-eendorso ng sugal: ‘Nakaka-guilty talaga!’

Ogie Diaz sa pag-eendorso ng sugal: ‘Nakaka-guilty talaga!’
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Pexels

Aminado ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na minsan din siyang nakapag-endorso ng sugal. 

Napag-usapan kasi sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Hulyo 21, si Kapamilya actress Ivana Alawi na kamakailan ay binakbakan ng puna dahil isinabay nito sa pagpapamudmod ng 100 pirasong iPhone 17 ang pagpo-promote ng "Casino Plus" na isang online gaming app.

Maki-Balita: Ivana Alawi, dinagsa dahil sa pamimigay ng 100 pirasong cellphones! 

Maki-Balita: Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal? 

“Ako naman,” sabi ni Ogie, “sa totoo lang, nakapag-endorse din ako. Guilty ako diyan. [...] Pero mula noon, ayaw ko na.”

Kakai Bautista, nagsalita matapos ikumpara kay Joy Barcoma

“Kasi parang ang hirap i-endorse ‘yong isang bagay na hindi mo naman ginagawa. Pero ipararamdam mo sa mga tao na ginagawa mo ‘yon at nae-excite ka lagi na gawin ito. Pero sa totoo lang, karamihan ng artistang kinuhang endorser, hindi naman naglalaro,” dugtong pa ng showbiz insider.

Bukod dito, binanggit din ni Ogie ang ibinahaging karanasan ng content creator na si Gabe Pineda bilang staff ng isang rehabilitation center.

Ayon kay Gabe, karamihan umano sa mga pasyente ng pinanggalingan niyang rehab ay naadik sa sugal.

Kaya ngayong may lumalapit kay Ogie para kumbinsihin siyang mag-promote, tumatanggi na umano siya.

“Kasi nakaka-guilty talaga. Una, nagi-guilty ka kasi marami kang nahihikayat, lalo na ‘yong mga naniniwala sa ‘yo. [...] Pangalawa, hindi naman ako sugarol,” aniya pa.

Matatandaang maging ang komedyanteng si Jobert Austria o mas kilala bilang “Kuya Jobert” ay pinuna ang ginawang pagpo-promote ni Ivana ng Casino Plus.

Maki-Balita: Kuya Jobert sa pagpo-promote ni Ivana ng sugal: 'Kulang pa ba ang blessing?'