July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Kuya Jobert sa pagpo-promote ni Ivana ng sugal: 'Kulang pa ba ang blessing?'

Kuya Jobert sa pagpo-promote ni Ivana ng sugal: 'Kulang pa ba ang blessing?'
Photo Courtesy: Jobert Austria, Screenshot from Ivana Alawi (FB)

Binengga ng komedyanteng si Jobert Austria o mas kilala bilang “Kuya Jobert” ang pagpo-promote ni Kapamilya actress Ivana Alawi.

Sa Facebook account ni Kuya Jobert, makikitang ibinahagi niya ang post ng isang netizen na naghayag ng pagkadismaya sa ginawa ni Ivana. 

“Seeing the 100 iPhone giveaway used to promote online gambling was heartbreaking,” saad ng netizen na nagngangalang April Cortes Titong. “All I could think about was the thousands of Filipinos who might be encouraged to gamble because someone they look up to made it seem exciting or rewarding.”

Sabi naman ni Kuya Jobert, “Namimigay ka nga inenganyo mo naman sila Mag sugal.kulang pa ba yung blessing na meron kayo?”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang shared post ni Kuya Jobert. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Events

Host ng 'Ipaglaban Mo!' na si Atty. Jose Sison, pumanaw sa edad na 88

"Greedy mode"

"The more the merrier daw dre "

"KHIT CNO P YN NS TAO N PO YN F MAGPP IMPLUWENCYA K S SUGAL"

"Inggit ka lang ehh"

"Dapat ginamit na lang sa mga may cancer patients at senior citizens na hirap na mag hanap Buhay iphone kahit gaano ka mahal walang halaga kuya jobert da best ka"

"Ok lang daw sabe ni ate ivana. Next month magoapamigay naman sya 1million mamili sya mga 10families ganen. Magaling naman sya maggawa ng vlogs buti daw mabilis naman makalimot mga tao hehe."

Matatandaang sa post ni Ivana noong Hulyo 15, makikitang bumili siya ng daan-daang kahon ng pinakabagong modelo ng iPhone. A

Ayon sa mga post na nag-viral, ang lahat ng 100 unit ng iPhone 17 ay ipamimigay niya sa mga mapipiling followers at supporters. 

Maki-Balita: Ivana Alawi, dinagsa dahil sa pamimigay ng 100 pirasong cellphones!

Ngunit binakbakan siya ng ilang netizens dahil kinakailangang naka-follow muna sa iniendorso niyang online gaming app na "Casino Plus" para maikonsidera sa mga bibigyan.

Maki-Balita: Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?