July 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Alan Peter, parang taong grasa na sey ni Sen. Erwin!

Sen. Alan Peter, parang taong grasa na sey ni Sen. Erwin!
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Pumatutsada si Sen. Erwin Tulfo na tila isang taong grasa at nawala umano sa pag-iisip si Sen. Alan Peter Cayetano nang matanggal ito noon sa puwesto bilang Senate President. 

Sa naging pahayag ni Tulfo sa panayam sa kaniya at inupload ng dating ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor na si Christian Esguerra YouTube channel nito umaga noong Lunes, Hulyo 20, 2026, nagkomento siya tungkol sa naging pagtatalo nina Cayetano at isa pa nilang kasamahan na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson noong mga nagdaang araw. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Di mo lang type yung isang tao, gusto mo nang ikulong?’ Sen. Alan, binira banta ni Sen. Ping

Ani Tulfo, iniisip na lang daw niya minsan na baka gusto lang daw ni Cayetano ng media mileage kaya raw panay ang pagsasalita nito sa publiko. 

“At the same time, habang pinapansin siya ng taumbayan, siya naman ang nasisira,” pagsisimula niya. 

National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

Buwelta ni Tulfo, pinayuhan na raw siya ng kaniyang mga kaibigan na huwag nang pansinin ang kapuwa senador at tingin daw niya na nagsimulang mag-iba ang kilos ni Cayetano nang mapatalsik ito bilang Senate President. 

“Sabi nga ng mga kabarkada ko, ‘Huwag mo nang pansinin. Ikaw na rin ang may sabi na may deperensya sa pag-iisip.’ I think he started his actuation noong mapatalsik siya as Senate President,” aniya. 

Saad ni Tulfo, ipinagdarasal na lang daw niya si Cayetano na bumalik na sa katinuan dahil kita raw sa postura nito na hindi pag-aahit at hindi maintindihan ang mga sinasabi na tila isang taong grasa. 

“Nag-iba na ang takbo ng isip ni Sen. Alan. Kaya nga kahapon, ipinagdarasal ko na lang na sana ay bumalik pa sa katinuan. Tingin mo, pati postura niya, hindi nag-aahit, ‘di mo na maintindihan. Parang akala mo taong grasa na. ‘Yong mga porma niya, ‘yong pananalita niya, parang out of the blues biglang nag-i-snap na lang na ganoon,” tirada niya. 

Pagpapatuloy ni Tulfo, baka lang daw nagkaroon ng “nervous breakdown” si Cayetano dahil sobrang naging ikli lang daw ng panahon na naging Senate President ito.

“Intindihin na lang siguro… Let us pray for his speedy recovery kasi I believe baka nagkaroon ng nervous breakdown noong natanggal siya. Two weeks lang, very short live ang kaniyang pagiging Senate President. Siguro ipagdasal na lang natin,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag o tugon si Cayetano kaugnay rito kahit na muli na silang nagharap ni Tulfo sa naganap sa Senate impeachment Trial noon ding Lunes, Hulyo 20. 

KAUGNAY NA BALITA: Bira ni Sen. Erwin sa mga kapwa senador: Impeachment trial, hindi 'right forum' sa personal na problema!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Alan, binanatan si Sen. Erwin; Tito Sen, rumesbak!