Nagsagawa ng final check ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa seguridad ng ikakasang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 27 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Kasunod ito ng anunsyo ng PNP kung saan sinabi nilang aabot sa 20,000 pulis ang ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan sa nasabing kaganapan.
MAKI-BALITA: Tinatayang 20,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni PBBM!-Balita
Ayon sa pahayag na ibinahagi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., nasa huling bahagi na raw ng paghahanda ang mga kaugnay na ahensya para sa kaligtasan at kaayusan sa gaganaping SONA ng Pangulo.
“All concerned units are in the final phase of coordination, rehearsals, and deployment to ensure a safe, orderly, and peaceful event for everyone,” saad ni Nartatez.
Ipinaalala na rin ng hepe ang pagpapalaganap ng maximum restraint, propesyonalismo, at pagrespeto sa karapatan ng bawat isa.
“I remind every police officer to exercise maximum restraint. Remain professional at all times. Respect the constitutional rights of every Filipino. Our duty is to maintain peace and public safety while ensuring that lawful assemblies can proceed peacefully,” anang hepe.
“Security and the protection of civil liberties go hand in hand. The PNP is fully prepared to secure the SONA while respecting the right of individuals and groups to peacefully express their views in accordance with the law,” dagdag pa niya.
Matatandaang ibinahagi kamakailan ng Palasyo na tinatapos na ni PBBM ang kaniyang talumpati para sa kaniyang ikalimang SONA.
MAKI-BALITA: PBBM, tinatapos na SONA speech niya-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Mag-iimbita kay VP Sara sa SONA 2026, Kamara; hindi si PBBM—Palasyo-Balita