Pinatutsadahan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang tila himula umanong pagpasok ng kapuwa niya senador na si Sen. Rodante Marcoleta nang naka-wheelchair sa University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) at paglabas nito nang lakad.
Matatandaan kasing dumating nang naka-wheelchair at may suot na protective vest si Marcoleta sa UP-PGH noong Martes, Hulyo 14, 2026, upang ikonsulta ang kaniyang kasalukuyang kalagayan.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta naka-wheelchair, bullet proof vest pagdating sa UP-PGH!
Samantala, inanunsyo naman ni UP-PGH Director Dr. Gerardo Legaspi noong Miyerkules, Hulyo 15, na lumabas daw sa findings ng pagsusuri nila sa kalusugan ni Marcoleta na magaling na raw sa pneumonia ang senador.
KAUGNAY NA BALITA: Puwede nang ikulong? Pneumonia ni Sen. Marcoleta, 'cleared' na!
Sa naging reaksyon naman ni Lacson na ibinahagi niya sa kaniyang “X” post nitong Huwebes, Hulyo 15, sinabi niyang himala raw na pumasok nang naka-wheel chair at lumabas ng ospital habang “brisk walk” o mabilis maglakad si Marcoleta.
“It’s a MIRACLE! Naka wheel chair pumasok, brisk walk lumabas,” pagsisimula niya.
Screenshot mula sa FB post ni Lacson.
Dagdag pa ni Lacson, pinupuri raw niya ang UP-PGH sa propesyonalismo at integridad nito sa magsusumite ng medical report ni Marcoleta sa tanggapan ng Sandiganbayan.
“Kudos to UP-PGH for putting professionalism and integrity above all other considerations in submitting their medical report to the Sandiganbayan,” pagtatapos niya.
Nahaharap si Marcoleta sa mga kasong non-bailable pluder case, indirect bribery, at paglabag sa tatlong counts ng Presidential Decree No. 46 na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap o magbigay ng regalo sa mga pribadong indibidwal.
Kasalukuyan nang nakapiit si Marcoleta sa New Quezon City Jail sa Barangay Payatas, Quezon City, habang hinaharap niya ang mga naturang alegasyon laban sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Marcoleta, naka-wheelchair na dinala sa Sandiganbayan para sa pagdinig ng kasong plunder